RATED R
ni Rommel Gonzales
SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na P77.
Sabay-sabay pasukin ang Penthouse 77 kasama si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na gumanap bilang si Luna sa kanyang first-ever horror film. Kasama rin sa pelikula sina award-winning child actor Euwenn Mikaell, veteran actors Jackielou Blanco, Carlos Siguion-Reyna, Gina Pareño, Rosanna Roces, gayundin sina Chrome Cosio at JC Alcantara.
Maghanda na sa katatakutang nagbigay ng mind-bending experience sa mga nakanood sa sinehan last year. Tawagin na ang inyong mga mahal sa buhay at panoorin sa inyong mga tahanan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com