RATED R
ni Rommel Gonzales
MARAMI na namang kaabang-abang na pelikula mula sa GMA Pictures para sa taong 2026.
Kabilang sa listahan ang 58th, isang animated documentary film produced by GMA Public Affairs at GMA Pictures, sa direksyon ni award-winning filmmaker Carl Joseph Papa. Bibigyang-pugay nito ang mga biktima ng Maguindanao massacre habang tampok ang kuwento ng buhay ni Reynaldo “Bebot” Momay, ang 58th victim ng massacre.
Kaabang-abang din ang pelikulang Ella Arcangel, isang animated film na base sa acclaimed 2017 comic book series ni Julius Villanueva. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni National Book Awardee Mervin Malonzo.
More pasabog pa ang handog ng GMA Pictures ngayong taon dahil makikipagsanib-puwersa ito sa Mentorque Productions para sa horror feature na Huwag Kang Titingin under Direk Frasco Mortiz. Star-studded ang pelikula dahil kasama rito sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Sean Lucas, Kira Balinger, Josh Ford, Anthony Constantino, Charlie Fleming, Shuvee Etrata, at Sherilyn Reyes.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com