RATED R
ni Rommel Gonzales
NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon ang nadarama ng ilan sa mga Sparkle artist ng GMA.
Ilan sa mga nagpahayag ng kanilang saloobin ay ang mga Sparkle talent na tulad ni Ruru Madrid
Kalakip ang ilang mga larawan sa post niya sa Instagram, aniya, “Yesterday wasn’t my best year, but it was one of my most meaningful.
“I learned a lot—no doubt about that. I may not have gotten the outcome I wanted, but I trust that everything was part of God’s plan. It felt like preparation.
‘Preparation for something bigger. Even if I don’t fully see it yet, I feel it—nararamdaman ko.”
Saad naman ni Miguel Tanfelix tungkol sa kanyang mga biyahe nitong nakaraang taon, “2025 was great, but 2026 will be even greater.”
Malaking pagbabago naman ang naganap sa buhay ni Mika Salamanca matapos manalo bilang Kapuso Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
“TBH (To be Honest), I boomerang it back to God,” ani Mika.
Ang kapwa datibg housemate ni Mika na si Shuvee Etrata ay walang ibang saloobin kundi pagpapasalamat sa dami ng blessings na natanggap.
“With a very grateful heart,” niya sisimulan ang taong 2026.
Grateful din si Mavy Legaspi.
Sabi ng Hating Kapatid star, “Not every day was easy, but every day taught me something. I’m stepping into the New Year with a softer heart, a stronger spirit, and so much gratitude for how far I’ve come.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com