RATED R
ni Rommel Gonzales
BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0. journey ni Rave Victoria nitong Sabado, January 3, 2026.
Agad na naglabas ng pahayag ng pasasalamat si Rave sa mga tagahanga at supporters niya.
Lahad ni Rave, “Gusto ko lang po magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa akin, ‘yung family ko, ‘yung friends ko at ‘yung mga supporter ko na rin sa loob ng Bahay Ni Kuya.
“Maraming salamat sa inyo dahil sinuportahan niyo ako sa journey na ito at sa lowest ko nandiyan kayo, maraming-maraming salamat. Sana tuloy-tuloy niyo lang ako suportahan.”
Ayon kay Rave, na talent ng All Access to Artists o Triple A management nina Jacqui Cara (Head of Operations and Sales), Michael Tuviera (CEO and President), at Jojo Oconer (COO and Chief Financial Officer), masaya ang naging karanasan niya sa loob ng PBB House.
“At gusto ko rin magpasalamat kay Lord dahil healthy ako, ‘yung buong journey ko naging masaya at maganda ‘yung kalusugan ko ngayon. Thank you.”
Kasabay ni Rave na na-evict sa Bahay ni Kuya ang Sparkle actor na si Anton Vinzon.
Napapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ng live sa GMA at Kapuso Stream tuwing weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo 10:05 p.m..
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com