Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team

INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 Enero, ang serye ng mga kautusang titiyak sa kaligtasan, kaayusan, at kataimtiman ng pagdiriwang ng Pista ng Jesus Nazareno sa Biyernes, 9 Enero.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 1, Series of 2026, sinuspinde ni Domagoso ang lahat ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa lungsod, at mga klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong mga paaralan sa araw ng taunang Traslacion, na dinarayo ng milyon-milyong deboto.

Ani Isko, isa sa dahilan ng suspensiyon ay upang lubos na makalahok ang mga deboto sa isa sa pinakamahalagang tradisyon ng mga Katoliko sa bansa.

Samantala, patuloy ang operasyon ng mga pangunahing serbisyo gaya ng peace and order, public services, traffic enforcement, disaster risk reduction, at health services.

Ang suspensiyon ng mga trabaho sa national government offices at pribadong mga kompanya sa lungsod ng Maynila ay nasa diskresiyon ng kani-kanilang pamunuan.

Sa ilalim ng Executive Order No. 2, Series of 2026, ipatutupad ang liquor ban sa 9 Enero sa 500-metrong palibot ng simbahan ng Quiapo at sa ruta ng Traslacion.

Kabilang sa kautusan ang pagbabawal sa pagbebenta at pag-inom ng mga nakalalasing na inumin upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, at bilang respeto sa tradisyon ng mga Katoliko.

Inaatasan ang Manila Police District (MPD) at iba pang law enforcement agency sa mahigpit na pagpapatupad ng liquor ban.

Nilagdaan ni Domagoso ang Executive Order No. 3, Series of 2026, na nagbabawal sa paggawa, pagbebenta, pamimigay at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices sa 8-9 Enero sa buong lungsod.

Layunin ng kautusan na maiwasan ang mga pinsala sa tao at sa ari-arian, at sunog sa pagsasagawa ng prusisyon.

Binanggit din ng alkalde ang mga Batas Pambansa at memorandum noong 2023 ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na humihimok sa mga LGU na limitahan ang paggamit ng paputok.

Agad na ipinatupad ang tatlong local executive orders na pinadalhan ng kopya ang Malacañang alinsunod sa mandato ng Local Government Code of 1991. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …

Lunod, Drown

Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod …