Wednesday , January 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jacqui Cara DJ Jhai Ho Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho ‘di big deal matawag na sir o ma’am: Iginagalang ka pa rin naman

RATED R
ni Rommel Gonzales

CONTROVERSIAL issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga LGBTQI+ community (gays and lesbians), ano ang opinyon ni DJ Jhai Ho tungkol dito?

Ako po naniniwala na parang lahat naman po ay kanya-kanyang opinyon,” umpisang sinabi ng comedian/host,  “pero ako po ay… dahil ako po ang tinatanong, hindi po issue sa akin ang tawagin akong ma’am or sir.

“The fact po kasi… naniniwala po ako na the fact na tinawag akong sir, ito po ay ginamit na itawag sa ‘yo as paggalang pa rin naman po.

Sa mga estudyante ko po noong nagturo ako sa Lyceum, sinabi ko po agad-agad ‘yan, ‘Huwag kayong mataranta or matakot akong tawaging sir.’

“Kasi okay lang din naman sa akin kahit na kuya, kahit anong itawag, wala pong problem sa akin.

“But I do understand where my co-LGBTQI+ community is coming from po, kapag sila po ay very sensitive pagdating sa bagay na ‘yan, kasi iba-iba po ‘yung paniniwala ng bawat tao, iba-iba po ‘yung kanilang tingin sa ganitong usapin, kaya po nirerespeto ko lang din po sila at ‘yung iba pa pong nagsasabi ng mga opinyon nila.

“Ang importante lang talaga po dapat ay maging kind tayo, ang respect each other po, roon pa lang po okay na po ‘yun sa akin.”

Latest addition si DJ Jhai Ho (at Pauline Mendoza) sa mga artist ng All Access to Artists o Triple A nina Jacqui Cara (Head of Operations and Sales), Michael Tuviera (CEO and President), at Jojo Oconer (COO and Chief Financial Officer).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

John Fontanilla Oriña Family Reunion

Reunion ng Fontanilla at Oriña Family matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MASAYA at punompuno ng buhay ang naganap na family reunion ng Fontanilla & Oriña last December …

Toni Gonzaga Mariel Rodriguez Bianca Gonzalez

Toni Gonzaga ‘di takot mamatay

MATABILni John Fontanilla HINDI raw takot mamatay ang Multi Media Star na si Toni Gonzaga dahil at …

SPEEd

Bagong pangulo at opisyales ng SPEEd pinangalanan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINIRANG ng grupong SPEEd ang bagong pangulo at iba pang opisyal nito kasabay …

Im Perfect Sylvia Sanchez Leila De Lima

Cong de Lima sobrang na-touch sa I’m Perfect: inirekomenda at ipinagmalaki

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INA sa ina at hindi politika. Ito ang binigyang linaw at …

Maricar Aragon

Benefit concert ni Maricar Aragon matagumpay

MATABILni John Fontanilla DINUMOG ang kaatatapos na benefit concert ng singer na si Maricar Aragon, ang Me …