MA at PA
ni Rommel Placente
MAGIGING tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa?
Ayon kasi sa hula sa batang aktor, sa second quarter daw ng susunod na taon ay magkakaanak siya. Hindi lang binanggit kung sa current girlfriend niya na si Kaila Estrada manggagaling ang kanyang magiging anak.
O sa ibang babae, ‘di ba?
Nakikita rin daw sa baraha ng psychic na posible rin daw na ikasal sina Daniel at Kaila next year.
Pero bago raw maganap ang kasalan ng dalawa ay magkakaroon nga raw muna ng baby si Daniel.
Ang tanong, kung totoo ang hula, sino kaya ang ina ng magiging baby ni Daniel?
At kung ikakasal na nga sina Daniel at Kaila na may baby na ang aktor, ibig bang sabihin niyon ay taranggapin ni Kaila ang anak sa ibang babae ng aktor?
Abangan natin kung magkakatotoo ang hula.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com