RATED R
ni Rommel Gonzales
KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng 34th birthday nitong January 2.
Sa Instagram account niya ay may ibinahagi ang ama ng Sparkle actor, si Richard Faulkerson, ng isang video habang nagdi-dinner sa bahay nila sa Laguna.
May post naman ni Alden sa kanyang IG ng, “Thank you for all the greetings! Grateful for another year! GOD is great!”
At matapos ang bakasyon, sasabak na muli si Alden sa trabaho.
“Kailangan lang huminga paminsan-minsan. My time with my family will be my breather. Then, laban na naman.”
Bilang aktor at producer pa rin ang pagkakaabalahan ni Alden ngayong 2026.
“May mga naka-line up na po tayong projects, isang hosting job. Then, may mga TV series na po, babalik talaga tayo sa teleserye.
“And of course, there’s a project in partnership with another streaming platform dito sa atin.”
Isa rito ang malaking proyekto ni Alden, ang kauna-unahang Hollywood movie niya na Big Tiger na artista at producer siya.
Hindi niya inasahan na magkakaroon siya ng ganitong proyekto sa 2026.
“I’m very much grateful with all the learnings that I was able to acquire. And it was quite challenging because ang daming bago!
“Ang daming bago na hindi ko in-expect na mararamdaman, may experience, of course. But mostly good. I think that’s what matters.
“You know, given the opportunity… Of course, with this project that we have, which is ‘Big Tiger,’ nagkaroon ng opportunity naman na magkaroon ng partnership with an international team.
“I’d like to believe that this is the start. Sana tuloy-tuloy, and kahit pa paano, maka-penetrate tayo sa international scene.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com