PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo.
May mga thread o posts na kapwa sila wearing sexy outfits at hindi na nga napasubalian na tanggap na tanggap na ng fans si Kaila for Daniel Padilla.
Although may ‘pasilip’ na sina Kathryn at Lucena Mayor Mark Alcala ng kanilang ‘dinner date’ to prove na may something between the two of them, hindi naman ‘yun masyadong pinag-interesan ng madla. Mukha ngang hindi nga ganoon ka-click ang kung anumang mayroon sila dala marahil ng pagiging politiko ni Alcala.
Ang balitang nasagap namin ni mareng Maricris ay magkasamang nag-spend ng New Year sina Kath at Mark sa BGC, habang nasa respective families naman nila sina Kaila at DJ.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com