HARD TALK
ni Pilar Mateo
TROPEO! ANG iba ansabe sa basurahan daw ang tuloy. Kasi, ayaw niya iyong pisikal na simbolo na tinanggap ang parangal. Siya ‘yon.
Pero sa bandang InnerVoices ni Atty. Rey Bergado, napakalaking bagay ng tropeong sumisimbolo sa kanilang pinaghirapan.
At kamakailan, ipinagkaloob sa kanila ‘yun ng 38th Aliw Awards ni Ms. Alice Hernandez.
Bilang Best Group Performer in Hotels, Bars and Retaurants.
At sa lahat ng naikutan nila, tunay naman na sinusuportahan sila ng kanilang mga tagahanga. Kahit pa ang mga nananahan na sa ibang bansa.
To name a few, mula sa Aromata, 19 East, Molito, Pier Juan, Hard Rock Makati and Manila, Noctos. At marami pa.
Para ‘yun sa pagiging pinaka nila in their performances, gigs sa iba’t ibang lugar na ang musika nila ang tiningala, sinubaybayan, at itinangi.
Sa apat na beses na pagpapalit ng bokalista ng banda, itong sana nga raw eh, huli na si Patrick Marcelino, ang tintitingnan na tila “lucky charm” ng IV.
Parang dugong bumuhay sa sandaling nanamlay na tropa.
Patuloy man sila sa pagtugtog at pagkanta ng mga pinasikat ng mga banyagang grupo, bumulaga naman ang mga piyesang matagal ng nanahan sa baul ni Atty. Rey. Para siya nilang ipagmalaki sa mundo ng musika.
Pasko. Dalawang kanta nilang orihinal ang pumaimbulog sa sari-saring music platforms. At inaalagaan pa sila ng record companies.
Ang mga miyembro: Patrick Marcelino (vocals), Atty. Rey Bergado (keys/vocals), Joseph Cruz (keys), Rene Tecson (guitar), Jojo Esparrago (drums) and Alvin Herbon (bass), ay walang itulak-kabigin.
Sayaw sa Ilalim ng Buwan is hitting it off well sa charts lika in Vibe. Na sinundan ng Saksi ang Mga Gala, Galaw, I Will Wait for You in the Rain, at ang mga Pamaskong Pasko Sa Ating Puso at Pasko’y Muling Darating to name a few.
Kahit mga banyagang paboritong puntahan ang Hard Rock ay aliw na aliw sa performance ng banda. They keep coming back!
No more at his wits end. ‘Di naman pormula ang hinanap ni Atty. Rey sa grup’ng tinantusan na.
They are here to stay. With Patrick ’til the end. As the band continues to play!
Ang mga kanta na ang tropeo nila.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com