Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel niya bilang si Ryan sa I’m Perfect.

Hindi ko alam kung paano siya aatakihin,” pagtukoy niya sa papel niya bilang nakababatang kapatid ni Jiro (Earl Amaba) na may Down Syndrome.

Pero gusto ko lang din i-share ‘yung unang-unang pagkikita namin ni Kuya Earl.

“Parang pagkakita ko sa kanya, pagkapasok ko pa lang sa room, tinawag na agad niya ako sa pangalan ko na Ryan, hindi Zaijian.

“Nandoon na agad ang connection na para bang matagal na kaming magkakilala.

“Kahit po si Krystel [Go], si Jessica, nandoon na rin ‘yung closeness namin.

“Kasi sinasabi niya sa akin palagi, ‘Uy! pinanonood kita dati lagi sa ‘May Bukas Pa.’ Si Santino. Ngayon, magkatrabaho na tayo.’

Parang nakakataba ho ng puso. Nawala ‘yung pagkaalinlangan ko sa sarili ko na, ‘Paano ko ba gagawin ito?’

“Parang sila ‘yung lumapit talaga sa akin. Kasi gaya nga po ng sinasabi nila, hindi naman sila natural born actors at first time din nilang gawin itong ganitong pelikula.

“So, mahirap talagang ituro agad-agad. Mahirap ituro basta-basta. Pero madali nilang napi-pick up iyon.

At extra work din sa akin off cam. Kasi nga po, bilang magkapatid, kailangan na makita agad on screen na ‘okay, magkapatid sila, mayroon silang ganoong relationship.’

“Pero hindi po ako nahirapan na mag-build ng ganoong relationship. Kasi, sa set nga ako lang ‘yung pinakabata.

“Kami ‘yung laging naglalaro. ‘Pag sasayaw sila, sasayaw din ako, ganyan. Kami po talaga ‘yung nagdya-jive.

“Tapos in terms naman sa eksena, honestly mahirap talaga dahil minsan hindi sila nakapagsasalita ng maayos. Paulit-ulit sa audio.

At saka maikli ang attention span nila. Minsan, kailangan ‘yung instruction ni direk… biglang nawawala sa isip nila.

“Pero mas lumawak ‘yung pang-unawa ko, mas humaba ‘yung pasensya ko. Kasi, mas naiintindihan ko sila na, ‘Okay, kaya natin itong gawin kahit nagkakamali tayo, kahit paulit-ulit lang. Basta matapos natin ito.’

“Tapos ‘pag nakita mo ‘yung eksena, sobrang magical.

“At ‘yung lagi ko pong sinasabi rin, first take, susundin nila iyong instruction ni direk. Tapos second take, mayroon silang ibibigay na sarili nilang interpretation.

“So, magugulat ka na lang at makikita roon sa camera na ‘Okay, ‘yung reactions namin, na nakagugulat talaga.

“Nakakaya nilang gawin iyon, na may maibibigay pala silang ganoon.

“Ang saya lang po sa puso ko na makatrabaho sila.”

Nasa pelikula rin sina Sylvia Sancez, Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez, Joey Marquez, Janice de Belen, Joel Saracho, Myke Salomon, at Viveika Ravanes.

Sa direksiyon ni Sigrid Andrea P. Bernardo. ang I’m Perfect ay official entry sa Metro Manila Film Festival 2025 ngayong December 25. Prodyus ng Nathan Studios.

Gaganapin ang premiere night nito sa December 21, sa SM North EDSA sa Quezon City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …

Sex Bomb Rawnd 3 concert Philippine Arena

Sex Bomb Rawnd 3 concert sa Philippine Arena na

I-FLEXni Jun Nardo TAMA kaya ang nabalitaan naming sa Philippine Arena ang Rawnd 3 ng Sex Bomb concert? …

Im Perfect Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

I’m Perfect ‘di malayong mag-top grosser, mga bidang Down Syndrome kayang-kayang umarte

I-FLEXni Jun Nardo GUMAWA ng history ang Nathan Studios sa Metro Manila Film Festival dahil sa official entry nito …