Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang karaingan matapos magpatupad ang ahensiya ng compensatory adjustment sa pick-up fares mula  20 Disyembre 2025 hanggang  4 Enero 2026

Ayon kay Lisza Redulla, tagapagsalita ng TNVS Community Philippines, bilang isang komunidad ng mga totoong TNVS drivers na bumabagtas sa kalsada upang magserbisyo sa komyuters, ang Transport Cooperative Program (TCP) ay walang tigil sa pakikipag-dayalogo sa mga regulators at Transport Network Companies TNCs) tungkol sa mga polisiya at programa na makaaapekto sa kanilang kita gaya na lamang nitong surge cut.

“Mula pa sa simula, naging aktibo ang TCP sa pagsulong ng kapakanan ng mga drivers kaya’t nakikipag-ugnayan ito sa LTFRB upang mapanatili ang implementasyon ng surge. Partikular noong nakaraang konsultasyon ng LTFRB nitong Disyembre ukol sa surge cuts, naging matibay ang aming paninindigan: Hindi maaring basta na lamang bawasan ang surge

lalo na sa holiday rush kung kailan malala ang traffic na nagpapahaba ng biyahe ng bawat booking,” pahayag ni Redulla

Nitong Huwebes, naglabas ang LTFRB ng memorandum circular na nagtakda ng booking acceptance sa mga ride-hailing services bilang simula sa paniningil ng pasahe sa mga pasahero.

 Sa ilalim ng pick-up fare system na nakapaloob sa LTFRB Memorandum Circular 2025-058 na may petsang 17 Disyembre 2025, ang pick-up point ng pasahero ay magiging bahagi ng chargeable distance component para sa per-kilometer fare ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) fare structure.

Gayonpaman, ipinaliwanag ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II na ang pick-up fare system ay magiging limitado sa loob ng limang kilometrong radius at ang fare system ay nakatakda sa bawat kilometro.

 Ang fixed pick-up fare charges ay nag-iiba rin mula sa uri ng TNVS vehicles—subcompact, car/sedan, AUV/SUV, at Premium.

“We understand the concerns raised by the TNVS drivers and the arguments they raised are backed by studies on travel time especially in Metro Manila,” dagdag ng LTFRB chief. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa loob ng 24 oras…
NEGOSYANTE DINUKOT, P5 MILYONG RANSOM NAPURNADA, TATLONG KIDNAPER TIMBOG

Sa pamamagitan ng mabilis at sama-samang aksyon ng pulisya ay matagumpay na nailigtas ng mga …

PBBM impeachment Makabayan bloc

Ikalawang impeachment vs PBBM inihain ng Makabayan bloc

ni Gerry Baldo ISINUMITE ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa …

BARMM BTA BEC rally protest

Amyenda sa BARMM Poll Code:
DAGOK SA KABABAIHAN, BANTA SA HALALAN

ni TEDDY BRUL UMAPELA ang mga sectoral group sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Norzagaray Academy batch ‘68 Class Reunion and Homecoming

Norzagaray Academy batch ‘68 Class Reunion and Homecoming

MAGDARAOS ang Batch ‘68 ng Norzagaray Academy ng kanilang ika-58 Class Reunion and Homecoming sa …