Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa  importers, exporters at brokers sa Aduana, sobra na umano ang ginagawang pangigipit sa kanila ng isang ‘tiktik’ na opisyal ng BOC na hindi na muna tinukoy ang pangalan na humahawak ng sensitibong posisyon.

Anila, simula nang maitalaga sa puwesto ang opisyal  ngayong taong kasalukuyan ay lumaganap pa ang smuggling activities ng agricultural product, tobacco products, electronic, fuel, motor vehicles, at  iba pang basic commodities.

Sa sumbong ng mga stakeholder, ang isang Field Station sa isang Pantalan sa Maynila ang umano’y kumokolekta ng pera para sa illegal entry ng sigarilyo, electronic cigarettes, at general merchandise.

Dahil sa aktibidad, ang nasabing pantalan ay naging focal point umano ng ilegal na pagpasok ng mga ipinagbabawal na produkto.

Anila, isang Kapitan ng barangay sa Muntinlupa ang sinasabing  nakikipagsabwatan sa BOC officials hinggil sa illegal activities sa ahensiya.

Sa isang Senate report, ilang taon na rin ang nakalipas, nabanggit na umano ang Kapitan,   bilang major agricultural smuggler na nag-o-operate sa Subic, MICP, Port of Manila, Batangas, at Cebu.

Ayon sa mga stakeholders ng BOC, umaakto si Kapitan bilang kolektor ng BOC.

Isa rin dating Kapitan nakatalaga sa Coast Guard Intelligence Force at Task Force Aduana at dati na rin naiugnay sa umano ay pagkolekta ng ‘tara’ mula sa mga importers at brokers.

Anila, kahit na-assign na sa ibang Coast Guard Base ay nagpatuloy pa umano ang aktibidad nito sa fuel at tobacco smuggling dahil sa pagiging malapit niya sa BOC official.

Dahil sa smuggling activities, sinabi ng grupo na bumaba ang revenue collections sa maraming pantalan sa bansa kabilang ang sa Batangas, Subic, Surigao, MICP, Zamboanga, Cagayan de Oro, Davao, Iloilo, at sa Port of Manila.

Dahil dito, umapela ang grupo kay Pangulong Marcos na agad ipag-utos ang imbestigasyon sa BOC official at sa mga tao nito.

Dapat din umanong patawan ng preventive suspension ang mga sangkot habang isinasagawa ang imbestigasyon.

At kung mapatutunayang guilty, dapat ay sampahan sila ng kasong adminsitratibo at kriminal.

Dapat din anilang magsagawa ng audit at review sa revenue performance, enforcement actions, at container profiling results sa mga sangkot na pantalan. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …