Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED R
ni Rommel Gonzales

“MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male group na InnerVoices nang dumalo sila sa 38th Aliw Awards.

Halos mamukod-tangi ang grupo nina Atty. Rey Bergado (leader/keyboards/vocals) dahil muy simpatico sila nina Patrick Marcelino (vocals), Joseph Cruz (keyboards), Rene Tecson (guitars), Alvin Herbon (bass), at Jojo Esparrago (drums) sa bulwagan ng Fiesta Pavilion ng The Manila Hotel na ginanap ang 38th Aliw Awards.

Itinanghal na Best Group Performer in Hotels, Music Lounges, and Bars ang InnerVoices.

Pagkatapos ng announcement ng kani-kanilang award, masayang nag-bonding at nag-pictorial ang InnerVoices with Andrew E na King of Rap ng Pilipinas.

Win naman si Andrew E. that night bilang Best Male Rap Artist of the Year sa pangalawang magkasunod na taon.

Sobrang happy nina Atty. Rey sa kanilang Aliw Award dahil maagang Pamasko ito sa grupo nila para mas lalo silang ma-inspire sa tuwing sasampa ng entablado sa mga live gigs nila sa 19 East sa Alabang, Noctos Music Bar sa Scout Tuason, QC, Aromata Restaurant sa Dr. Lazcano, QC, at Hard Rock Cafe Manila (Conrad Hotel) and Makati (sa Glorietta in Ayala).

Nakatataba rin ng puso na ang mga nakasabay nilang nanalo ng award sa kani-kanilang kategorya ay sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Pops Fernandez, Lani Misalucha, Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Jed Madela, Dulce, Jackielou Blanco, our favorite Arman Ferrer na talent ng mahal naming si Noel FerrerJona, at marami pang iba.

Speaking of Pasko, out na sa mga digital platform ang dalawang Christmas song ng InnerVoices; ang Pasko sa Ating Puso released under ABS-CBN Music at Pasko’y Muling Darating sa ilaim naman ng UMG Philippines.

Ang Pasko sa Ating Puso ay likha ni Atty Rey, arranged by Edward Mitra, at produced ng Kalesa Entertainment Production.

Ang Pasko’y Muling Darating ay isinulat di  ni Atty. Rey at arranged din ni Edward.

Lahad ni Atty. Rey, “Hindi lahat pareho ang nararamdaman pagdating ng Pasko. May nagdiriwang, may nagpapagaling.

“With these two songs, we wanted to honor both experiences. ‘Pasko sa Ating Puso’ is a celebration of joy and connection, while ‘Pasko’y Muling Darating’ is a gentle reminder of hope. Magkaibang himig, pero parehong totoo.”

I-follow ang InnerVoices sa kanilang mga Facebook, YouTube, Instagram, TikTok account, at sa Spotify.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …