RATED R
ni Rommel Gonzales
PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access to Artists o Triple A management.
Maayos ang pag-alis ni Jhai Ho sa Star Magic na siya niyang dating management.
Lahad ni DJ Jhai Ho, “Yes po. Ang kumuha sa akin sa Star Magic was Mr. Johnny Manahan, that’s why kung makikita niyo sa social media post ko, recently I was invited sa isang event and nagkasalubong kami ni Mr. M doon and ‘yun ipinost ko nga na malaki ‘yung pasasalamat ko sa kanya.
“At kahit noong nagka-transition naman po hindi rin naman ako kinalimutan ni Tita Mariole [Alberto, dating executive ng Star Magic] and ni Mr. M na kamustahin, at kung anong plans.
“Noong nagpaalam po ako kay direk Lauren [Dyogi] at sa handler ko po, kay Tita Cris Navarro, hindi po siya ‘yung basta paalam na thru text lang po, personal ko po silang pinuntahan sa office at personal po akong humingi ng basbas at sinabi ko po na ako po ay… gusto ko po na mag-explore naman at walang masamang, walang pagbu-burn ng bridge.
“Noong una po hindi agad-agad, naghintay kami ng two months kasi parang nagbigay din po sila ng offer, pero sabi ko nga po dahil okay naman po ang relationship ko with them, ako po ay susubok po at uuwi roon sa pamilya naman na matagal na ring sumusuporta at nagmamahal rin sa akin, which is ang All Access po.
“Kaya naging matagal, kasi noong time na ‘yun nasa World Tour concert sina direk Lauren, hinintay ko lang siyang bumalik para personal na nandito siya. Bago ko rin makalimutan siyempre dati rin akong co-managed ni Tatay Ferdie Bautista ng Artist Gallery po, ganoon din po, maraming luha, nag-iyakan din naman kasi ang tagal namin.
“Mula noong projects ko na teleserye sa ABS-CBN dati and every hosting po, sila ‘yung kasama ko.
“Maayos kasi last November 7, I’m still part of the Bida Kapamilya pa rin naman ng ABS-CBN, nagho-host pa rin ako sa kanila at okay po ‘yung pag-e-exit ko with Star Magic, maayos po lahat at hindi po ako pumirma ng may sama ng loob sa kanila, lahat po ay idinaan sa tamang proseso po.”
Open arms na nai-welcome siya ng mga big boss ng Triple A na sina Jacqui Cara (Head of Operations and Sales), Michael Tuviera (CEO and President), at Jojo Oconer (COO and Chief Financial Officer).
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com