PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf of her brother.
Sa viral video ng kapatid ni Pokwang na minaltrato ang nakasanggang mag-amang magkakariton, ang aktres-host ang humingi ng tawad para sa maangas na kapatid.
Agad na umaksyon ang LTO na isuspinde ang lisensya ng kapatid (for 90 days) ni Pokwang sa bisa na rin ng nakitang mga ebidensya. Pero may mambabatas ngang nanawagan ng mas matinding parusa laban dito.
Umapela si Pokwang para sa kapatid na umano’y nagbanta pang babarilin ang nakasagi sa kanyang Hilux car na magkakariton ayon sa ilang tsika.
Masyado raw “epal” ang awra ng kapatid ng aktres-host na kahit inaawat na raw ng asawa nito ay tila mas lalo pang nagyabang. At kahit daw umiiyak na ang batang anak ng magkakariton dahil sa pagsapok ng driver sa ama, deadma lang daw ito.
Sa post nga ni Pokwang na humihingi ng ‘sorry’ para sa kapatid ay kinol-out pa nito ang mambabatas na mas intindihin nito ang problema ng bayan kaysa mangialam sa ganoong senaryo.
Hindi naging maganda ang reception ng madla sa panawagan ni Pokwang lalo’t wala naman daw ipinakitang remorse ang ‘ma-epal’ nitong kapatid.
Ang nakakaloka pa, kahit ang humble beginning ng pamilya nila ay naungkat pa at ipinamukha ng netizen ngayong mayroon na raw itong matatawag na yaman at power.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com