PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na full support sa piano recital ng anak nilang si Elias, may mangilan-ngilang nakahanap ng maibubutas.
Sey ng ilang netizen, “ano ba naman iyang si John Lloyd. Ni hindi man lang nag-effort na mag-ayos ng hitsura niya. Granting na hindi na siya glamorosong artista, pero mahalagang milestone naman yun ng anak mo bilang nag recital sa piano, ano ba naman yung magpantalon ito? Parang napaka-kaswal at naka-pamasayal na shorts lang ito.”
Puring-puri nga ng madla ang magandang co-parenting nila ni Ellen pero may mga bagay na dapat ding isinasaalang-alang ng mga ito bilang madalas pa rin silang lumabas sa socmed bilang public figures.
Kasama pa ni Lloydie si Isabel Santos, ang recent gf na siya ngang nag-upload ng photos and videos ng event at hinangaan ng marami. Kasama ni Ellen ang anak nito kay Derek Ramsay na si Lili na kinagiliwan ni Lloydie dahil sa pagiging bibo.
Sa ilang photos nga makikita ang masaya nilang samahan at malayo sa imahe ni Ellen na nang-aaway o tila nagre-report sa sambayanan ng mga isyu nila ng nakahiwalayang asawa na si Derek.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com