Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PA
ni Rommel Placente

KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na si Nicole para mapasama sa seryeng pinagbibidahan niya, ang FPJ’s Batang Quiapo. Gumaganap dito si Nicole bilang kaibigan ng kapatid ni Maris Racal.

Si Katherine ay dating karelasyon ni Coco noong panahong gumagawa siya ng indie film. Nagkasama ang dalawa sa pelikulang Masahista at doon na nagsimula  ang kanilang relasyon. Si Nicole ang nabalitang anak umano ni Coco kay Katherine, na ayon mismo sa dating aktres.

Pero binawi ni Katherine ang sinabi niyang ‘yun. Inamin niya na hindi si Coco ang tunay na ama ni Nicole. Pagkatapos ay humingi siya ng tawad sa aktor. At tinanggap naman ni Coco ang paghingi ng tawad ng dating karelasyon.

Sa ngayon ay tinutulungan ni Coco si Katherine sa pagpapagamot nito sa mata.

Lalabas din sana si Katherine sa nasabing serye. Kaya lang hindi ito pwede dahil nga sa kanyang karamdaman.

Hindi man natuloy si Katherine, parang nabigyan na rin ng katuparan ang pangako ni Coco sa kanya na isasama siya sa Kapamilya aksiyon-serye dahil nandito naman ang kanyang anak.

Siyempre pa, sobrang happy ni Nicole na nabigyan siya ng pagkakataon na makaarte sa harap ng kamera, at mapasama sa hit action series ni Coco na parang tunay na rin niyang ama.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

GMA ABS-CBN TV5

TV5, GMA, ABS-CBN game na game sa labanan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXCITING nga ang TV network wars this 2026. Sa aminin man …

MMFF 2025 Movies

MMFF entries bigong maabot bilyong kita sa takilya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAPPY New Year mga Ka-Hataw. Nakaka-sad naman ang balitang five days …

Innervoices

Innervoices tropeo ang mga kanta

HARD TALKni Pilar Mateo TROPEO! ANG iba ansabe sa basurahan daw ang tuloy. Kasi, ayaw …

Rouelle Carino Matt Monro Michele Monro

Rouelle Carino binati ng anak ni Matt Monro

I-FLEXni Jun Nardo GALING naman ng Eat Bulaga na mahingian ng video greeting ang anak ni Matt Monro para …

Janus del Prado Carla Abellana cake

Janus anong problema kay Carla? 

I-FLEXni Jun Nardo MATAPOS paglaruan ni Janus del Prado ang wedding cake ni Carla Abellana na nag-viral, ngayon parang …