PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special ng ABS-CBN, hindi naman nagpatalbog ang fans nina Daniel Padilla at Kaila Estrada.
Ang Christmas special ay napanood sa TV na may song number ang future co-stars na sina Kathryn at James. Mayroon ngang pinag-uusapang TV project ang dalawa na kinakikiligan naman ng fans nila dahil pwede naman palang magkatambal ang
dalawa after all.
Marami na ang excited kahit pa sabihing out na ang isyung “love” dahil kapwa may mga partner ang mga ito sa ngayon (though walang anumang pag-amin kay Kath).
Sa kabilang banda, naging istorya rin ang pagkakita kay Kaila sa loob ng sasakyan ni Daniel after ng kanilang Christmas station shoot (na present din si Kath).
May photos and videos pa na makikitang inalalayan ni Daniel si Kaila pero may fans nga lang na inasikaso ang aktor kaya’t nauna na raw sa sasakyan si Kaila.
Well, it’s Christmas time at mukhang masasaya silang lahat ngayong Pasko, kaya be happy na rin tayo!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com