PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa kanilang mga Instagram accounts.
Matapos lumabas at pag-usapan ang interview ni Angge kay Karen Davila at sa bonggang mga nasabi nito hinggil sa kanyang buhay sa ngayon at mga naging past boyfriends, gaya nina John Lloyd Cruz at Derek Ramsay, tila beshies na sina Angge at Ellen.
Kapwa naging karelasyon ng UnMarry star sina JLC at Derek, na naging karelasyon din ni Ellen. Parehong may anak sa dalawang aktor si Ellen at kasal nga ito kay Derek.
Sa nangyaring gulo kina Ellen at Derek, tila hindi naiwasan ni Angge na parang kampihan si Ellen. Very vocal ito sa pagsasabing hinahangaan niya si Ellen at may pa-emote pa itong, nagawa ni Ellen ang hindi niya nagawa noon kay Derek.
At ayun na nga, noong time nila ni JLC ay wala raw talaga itong plano na magpakasal kaya’t bakit pa sila dapat magtagal.
At dahil at peace na siya sa kanyang buhay may-asawa at may anak, higit siyang kuntento bilang babae at tao.
And yes, mukhang waiting siya na makasama sa group chat ng mga taong na-link kay Derek dahil tila marami silang makiki-Marites.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com