Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYON
ni Teddy Brul

TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang tagpo ng kahirapan, kababaang-loob, at pag-asa.

Ngunit sa bawat taon na lumilipas, tila lalo atang lumalayo ang diwa ng Pasko sa tunay nitong kahulugan. Sa gitna ng karangyaan at komersiyalisasyon, nananatiling hungkag ang sabsaban ng katarungan para sa masa.

Isinilang si Kristo hindi sa palasyo kundi sa sabsaban. Namuhay Siya kasama ng mga dukha at hinarap ang katiwalian at pang-aapi ng Kanyang panahon.

Kaya’t hindi maiiwasang itanong: nasaan tayo ngayon bilang lipunan? Habang ang iilan ay nagpapasasa sa luho, ang nakararami ay patuloy na nakikipagbuno sa gutom, kawalan ng tirahan, at kawalang-katiyakan sa buhay.

Sa kasalukuyan, muling nahaharap ang bayan sa mga eskandalo tulad ng Ghost Flood-Control Project—isang lantad na halimbawa kung paanong ninanakaw ang bilyon-bilyong pondo na dapat sana’y para sa pabahay at serbisyong panlipunan. Sa bawat pisong nawawala, may pamilyang nawawalan ng pag-asang magkaroon ng disenteng tahanan.

Hindi ito simpleng problema ng kakulangan ng pondo. Ito ay usapin ng prayoridad. Noong 2024, tanging P8.8 bilyon lamang ang inilaan para sa “Housing and Community Amenities”—malayo sa P18.7 bilyon noong nakaraang taon.

Samantala, isang ulat ang nabunyag na may pamilyang kontratista na nakakuha ng 345 proyektong pampamahalaan na nagkakahalaga ng P25.2 bilyon. Tatlong ulit itong mas malaki kaysa pondong inilaan para sa pabahay sa panukalang 2025 badyet.

Sino ang pinaglilingkuran ng badyet? Ang tanong na ito ang dapat paulit-ulit nating ibinabato sa mga nasa kapangyarihan.

Tama ang paalala ng dating pari at bilanggong politikal na si Edicio de la Torre: “Ang pakikibaka para sa paglaya ay isang pakikibakang mahirap at matagal.”

Hindi sapat ang limos at paminsanang tulong. Ang tunay na paglilingkod sa mahihirap ay nangangailangan ng organisasyon, pakikilahok, at sama-samang pagkilos upang baguhin ang mga estrukturang patuloy na nagpapahirap sa kanila.

Kamakailan, isinabuhay ang mensaheng ito sa lansangan nang magmartsa ang mahigit 500 maralitang lungsod patungong National Housing Authority sa ilalim ng Panunuluyan 2025. Muling isinadula ang paghahanap nina Maria at Jose ng matutuluyan—isang reyalidad na hanggang ngayon ay dinaranas ng libo-libong pamilyang Filipino.

Ngayong Pasko, paalala sa atin ang Delixi Te—“Minahal kita” (Book of Revelation 3:9), kung saan pinagtitibay ni Kristo ang Kanyang pagmamahal sa isang mapagkumbaba at inuusig na simbahan sa kabila ng kanilang paghihirap.

Kung tunay nating tatanggapin si Kristo, hindi sapat ang mga palamuti at handaan. Kailangan nating panindigan ang katarungan, makiisa sa inaapi, at ipaglaban ang karapatan ng masa.

Sa huli, ang tanong ay hindi kung ipinanganak ba si Kristo sa sabsaban, kundi kung may puwang pa ba ang Kanyang mensahe sa ating lipunan. Kung ang sagot ay oo, panahon na upang piliin natin ang masa—at hindi ang kasakiman—bilang tunay na diwa ng Pasko.

Ang pagsusulat ay pakikibaka, hindi laro o libangan. Ito ang aking buhay. Padayon, kauri!” (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …