ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo Mendrez na pinamagatang “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin,”
Na-curious kami sa song na ito ni Jojo, dahil bukod sa tipong hugot song ito ngayong Kapaskuhan, may nagsabing isang katoto sa panulat na may surprise at twist daw itong nasabing music video.
Ang siste raw kasi, bubulaga rito si Mark Herras sa music video ni Jojo at ito raw ay makikita sa director’s cut.
Matatandaang nagkaroon ng issue noon sa pagitan nina Mark at Jojo, na balita namin, eventually ay naaayos din naman daw.
Kaya sure kami na marami rin ang macu-curious panoorin ang director’s cut nang nasabing music video.
Anyway, maganda ang music video at naniniwala kaming marami ang makaka-relate rito. Ang kanta ay sobrang emosyonal talaga at may kurot sa dibdib ito, lalo na sa may hugot na pagkanta rito ng tinaguriang Revival King na si Jojo.
Ito’y hatid ng Star Music, mula sa komposisyon ng dekalibreng si Jonathan Manalo.
Itinuturing itong isnag highlight ng showbiz career ni Jojo at tama naman siya, dahil siguradong magugustuhan ng madlang pipol ang nasabing kanta.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com