Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik ng unutilized PhilHealth funds sa National Treasury, maraming detalye ang hindi naunawaan ng publiko. Kaya mahalagang ilatag ang malinaw na konteksto.

Ang pagsauli ng pondo ay hindi eksklusibo sa PhilHealth. Ito ay mandato sa lahat ng GOCCs, kabilang ang PDIC. Ang layunin ay simple: alisin ang idle funds upang magamit sa ibang programang nangangailangan ng pondo.

Ang kontribusyon ng PhilHealth members ay hindi kasama sa paglipat sa treasury. Ang tinutukoy dito ay government subsidy, isang pondong sakop ng GAA 2024 na maaaring i-realign ayon sa pangangailangan ng bansa.

Wala rin dapat ikabahala ang taong-bayan sa nangyari. Nanatili pa ngang matatag ang PhilHealth. Ang kanilang ₱500-B fund ang nagbigay daan para palawakin ang benepisyo, kabilang ang mas mataas na coverage at Zero Balance Billing.

Halos nadoble ang benepisyong ibinibigay para sa mga kaso ng stroke at pneumonia. ‘Yung breast cancer coverage naman ay umakyat sa ₱1.4 milyon mula sa dating ₱100,000. Pati ang listahan ng generic medicines na covered ay lumawak sa 53 items. Dagdag pa rito, ipinapatupad na ang Zero Balance Billing para masigurong walang pasyenteng uuwi nang may utang sa ospital.

Kaya nang magpasya ang gobyerno na ibalik ang ₱60 billion sa PhilHealth para sa 2026, ito ay batay sa nakitang pagpapalawak ng benepisyo at sa patunay na kaya nilang pangasiwaan nang maayos ang pondong ibinibigay sa kanila.

Ang maliwanag dito ay ang prinsipyo  na ang pondo ay dapat gamitin, hindi itinatambak sa mga ahensiyang hindi naman ito nagagamit. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ex-Cong. Co, paano makauuwi kung may banta sa buhay?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA ISYU ng kontrobersiyal na flood control ghost projects ng Department …