Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Divine Villareal VMX Kapag Tumayo Ang Testigo

Divine Villareal, bida na sa “Kapag Tumayo Ang Testigo”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MULING maghahatid nang ‘malupet’ na pampainit ang sexy star na si Divine Villareal sa pelikulang “Kapag Tumayo Ang Testigo” na mapapanood ang World Premiere sa VMX sa December 5.

Si Divine ay maihahalintulaad sa isang sariwang putahe na katatakaman ng mga barako kapag napanood nila ang pagsabog ng kanyang alindog sa pelikula. Mas kaabang-abang siya sa nasabing pelikula dahil bida na siya rito.

Nabanggit ng napakaseksing talent ni Jojo Veloso ang ukol sa kanyang latest movie.

Aniya, “Tampok din po rito sina Nico Locco, Reina Castillo, Rhea Montemayor, Chelsea Ylore, Mark Dionisio, Neil Tolentino, Audrey Avila, and Mitoy Yonting, directed by JR Reyes.”

“Bale lead na po ako rito sa pelikula, asawa po ako ni Nico Locco,” dagdag pa ni Divine.

Ano ang reaction niya na bida na siya ngayon? Esplika ni Divine, “Super-happy po ako at nagpapasalamat ako sa tiwala sa akin ni direk at iba pang mga ka-work ko po sa movie na ito.”

Nabanggit din niyang nag-enjoy siya sa paggawa ng comedy movie. “Sobrang saya po, lalo na at masasaya ka-work ang production at ibang co-artist ko po, pakli pa niya.”

Gaano siya ka-sexy sa pelikulang ito? “Masasabi ko po na hindi siya gaya ng mga naging role ko before na sobrang wild, kasi virgin po ako rito at attorney. Pero nang nagpakasal na kami ng asawa ko ay doon n’yo po ako ulit makikita na magpa-sexy.”

Ano pa ang wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career?

“Wish ko po ay more project pa po sa akin and sana po ay hindi ako makilala na puro pa-sexy lang ang ginagawang projects. Kundi, bilang magaling na actress din po,” nakangiting pahayag pa ni Divine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …