Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jackstone 5

Eric Quizon at Arnell Ignacio, nag-enjoy sa kanilang ‘landian’ sa pelikulang “Jackstone 5”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

RIOT sa katatawanan ang mapapanood sa pelikulang “Jackstone 5” na tinatampukan nina Eric Quizon, Gardo Versoza, Arnell Ignacio, Jim Pebanco, at Joel Lamangan.

Sa ginanap na premiere night ng pelikula sa Trinoma Cinema 6 noong November 25, napuno nang halakhakan at tilian from moviegoers sa mga kuwelang eksena at hitik sa comedy.

Sa panayam kay Eric, nabanggit niya ang instructions sa kanila ni Direk Joel, na bukod sa isa sa bida rito ay direktor din ng pelikula, lalo na ang nagiing confrontation scene nila ni Arnell sa movie.

Pahayag ni Eric, “Actually si Direk kasi, sasabihin lang niya sa amin kung ano ang gusto niya, then magre-rehearse kami. But somehow, ang comedy kasi ay nanganganak iyan… so sometimes, kapag may naisip  kami na, ‘Direk puwede ba naming gawin ito?’

“And direk (Joel) is so open dahil ang gusto nga niya ay maging freewheeling kami. He wants us to contibute, to adlib… ang comedy kasi sometimes is all about wit, and it’s all about the punch. And sometimes kapag na-take-2 kami, naiiba na siya, nanganganak siya, parang ganoon,” natatawang pakli pa ni Eric.

Esplika naman ni Arnell, “Actually, iyong away namin, ang treatment doon dapat seryoso talaga. Pero si Eric may mga panggulat siya sa eksena, e.”

Pero nang take na raw ay pumilantik ang paa ni Eric kaya itinuloy na nila.

Wika pa ni Arnell, “So, ginawa na namin, parang mas maganda kasi siya na magseseryoso, pagkatapos ay landian lang and mas ano (iyong eksena) mas bakla. So, it was reaaly fun.

“I must say, noong una ay hindi namin malaman paano ang approach ni Direk Eric, kasi ngayon lang kami nagkatrabaho. Pero iyong kanyang isip, parang naka-steroid pagdating sa comedy. Talagang kada mayroon kaming eksna, like sasabihin niya, ‘Arnelli, okay lang ba sa iyo na isisingit ko iyong paa ko diyan?’

“Kasi… basta may eksena kasi kami na nilalandi ko ito e,'” sabay turo ni Arnell kay Abed Green.

Pagpapatuloy niya, “So ang masarap, yung working relationship nag-transform into sa paghanga, respeto, and the discovery of how people work in the environment on the set… So, naging masaya at naging magkakaibigan kami talaga. Kaya yung nakikita ninyo na parang magbabarkada, totoo na iyon.

“So, ang saya-saya ng movie na ito, kaya baka dapat Dennis (Evangelista) dapat ay may part-2 ka na, e.”

Dagdag naman ni Eric, “I’ll just add, kasi noong nagsu-shooting kami sa rapids, iba-ibang bangka kami. Basta’t ang directions ni Direk, ‘Basta maglandian kayo riyan.’

“So sabi ko, nandoon kasi ako sa harapan at sabi ko, ‘Arnelli, ilalabas ko iyong paa ko, ha.’  So, ang ginawa ko ay inilabas ko ang paa ko at itinapat ko sa mukha ni Arnelli. Tapos ay hinalikan naman ni Arnelli ang paa ko.” nakatawang wika ni Eric.

“Akala ko kasi ay kamay ni Abed,” nakangiting saad pa ni Arnell.

Ani Direk Joel naman, “Ang isang pinakamagandang characteristic ng comedy ay yung spontaneity, kailangan mukhang spontaneous ang ginagawa nila, kailangan na mukhang hindi naka-script ang ginagawa nila para matawa ang mga tao.

“Ang isa pang essence ng comedy, dapat hindi ka halatang nagpapatawa sa tao, kasi magmumukhang nakakainis. So, what we tried to do, we tried to do it as natural as possible, as spontaneous as possible, as raw as possible…

“Kaya hindi ako strikto sa script… Naku, hindi na nga halos nirespeto ang script, kasi kung ano-ano ang sinasabi nila, kung ano-ano ang idinadagdag nila. Ang ginagawa ko na lang, kina-capture ko nang kina-capture. Tignan nyo, nakasimangot ako sa lahat ng eksena,” pabirong sambit ni Direk Joel kaya naghalakhakan ang marami.

Mula sa panulat ni Eric Ramos, ang pelikula ay isang drama-comedy, na tungkol sa limang gays na matagal nang magkakaibigan at nasa senior stages na ng kanilang buhay. Nabuo ang pangalan ng kanilang barkadahan dahil iniidolo nila ang grupo ng magkakapatid na The Jackson 5.

Taong 1976 nang nabuo ang pagkakaibigan ng limang baklang teen-ager sa isang munting bayan ng Laguna. Tatlo sa kanila ay wagas na binabae, ngunit isa sa kanila ay takot magladlad dahil sa pagmamalupit ng amang galit sa bakla. May dalawang tigasin sa kanila, pero berde rin ang dugo. Nag-bonding silang lima sa larong jackstone at saba-sabay silang nangarap na makapagtrabaho sa ibayong dagat.

Tampok din sa Jackstone 5 sina Angela Cortez, Abed Green, Rico Barrera, Elora Espano, Marcus Madrigal, Jhon Mark Marcia, Daniela Carolina, at iba pa.

Produced by Apex Creative Production Inc. with Dennis Evangelista as line producer, ang pelikula ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide, simula sa Disyembre 3.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …