ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG isa pa sa talents ni Audie ay si Mia Japson. May-K sa kantahan ang bagets na ito, na ang latest single ay pinamagatang ‘April’ at siya mmo ang nag-compose ng nasabing kanta.
Ito ay available na sa Youtube at Spotify.
Nabanggit ng 16 year old na recording artist ang hinggil sa single niya.
“Ang kanta po ay about sa feeling of being with my friend, when I was with him it felt like a breeze of fresh air. I composed the lyrics while the arrangers were from Mixlabs.
“It is currently my second single! I think its been a year since my debut ‘Pintig’,” sambit pa ni Mia.
Pang ilang composition na niya ito?
Tugon niya, “Marami na rin po akong na-compose, pero hindi ko po alam yung bilang talaga, hahaha! Sana nga po maayos at mailabas ko na po ang iba kong compositions, pero baka po hindi pa sa ngayon.”
Ayon pa kay Mia, rati na siyang nagsusulat ng songs. “Opo, rati nagfi-freestyle lang po ako sa pagsusulat ng songs, noong 12 o 13 po ako.”
Bakit niya naisipang magsulat ng songs? Inspiration niya ba rito sina Miley Cyrus o Taylor Swift?
Aniya, “Kapag nakikinig po ako sa music, nakikinig po talaga ako sa lyrics at kung ano ang pinaparamdam ng musician sa instrumentong ginagamit niya. Lahat ng artist kapag gumagawa ng musika ay intentional, at may kahulugan.
“Ang mga inspirasyon ko po talaga ay sina Bruno Mars, Frank Sinatra, Ella Fitzgerald, at iba pa at ang mga pelikulang gaya ng La La Land, Tick Tick Boom, at Into The Woods.”
Si Mia ay isang senior high Grade 11 student sa National University Nazareth School (NUNS). Bukod sa pagkanta, kabilang sa kanyang talento ang pagiging composer, dancer, at painter.
Siya ay nag-workshop sa Repertory Philippines, GForce Dance Center, at Voices Studio Company. Siya ay may sariling YouTube channel din, ang Mia Japson TV.
“Ngayon po after the music video for (my single) April, which you can check out on my channel! Mia Japson, gumagawa ako ng bagong kanta na medyo iba sa mga na-release ko, but I want to make sure its a good one,” kuwento pa ni Mia
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com