Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa mga anomalya sa flood control projects, at marami na rin ang nabunyag na mga kalokohan sa mga ahensiya ng gobyerno. Pero ang paulit-ulit na tanong ng bawat Filipino: “May nakulong na ba?”

Nakapagtataka rin ang pagtrato ng komite na hinahawakan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson dahil sa pagtrato sa mga saksi at kanilanh testimonya. May mga senador kasi na nababanggit kahit ang basehan ay sabi-sabi lang. Meron din iba na nababanggit gaya ni Zaldy Co at Martin Romualdez na personal na inabutan umano ng mga kickback. Ano nga ba ang pagkakaiba ng ‘hearsay’ at ‘first hand’ na ebidensiya?

Sa batas, magkaibang-magkaiba ang bigat ng isang kuwentong ‘narinig lang’ kompara  sa salaysay na personal na nakita o naranasan. Hearsay ang tawag sa information na hindi mo mismo naranasan o nakita, kundi ipinasa lang sa iyo ng iba. Gaya ito ng pagkakasangkot kina Senator Sonny Angara at Senator Chiz Escudero. Hindi sila inakusahan base sa direktang pag-uusap, personal na obserbasyon, dokumento, o anumang ebidensiya na tumutukoy sa kanila. Ang mga binanggit tungkol sa kanila ay puro secondhand. Mga kuwento ng ibang tao tungkol sa sinasabi raw ng ibang tao. Sa legal na proseso, alam natin na hindi sapat ang ganito.

At banggitin din natin, kung gaano kabilis depensahan at ipaglaban ni Senate President Tito Sotto si Senator Grace Poe— kahit malinaw na ang pagbanggit sa kanya ay hearsay din—ay hindi ganoon ang pagtrato sa iba pang senador na nadamay sa parehong uri ng tsismis.

Sa kabilang banda, may mga testimonya sa hearing na sinasabing firsthand, tulad ng sinabing delivery sa bahay mismo ni dating Speaker Martin Romualdez. Kapag ang isang testigo ay nagsasabing siya mismo ang nakakita o nakiisa sa isang pangyayari, mas mabigat iyon sa ilalim ng rules of evidence. Nakapagtataka tuloy para sa mga nanonood na bakit parang mas pinag-uukulan ng pansin ang testimonya na hearsay kompara sa mga kuwentong may direktang interaksiyon, lalo kung may mga taong nagsasabing personal silang humarap o nagbigay ng impormasyon kina Romualdez o Zaldy Co?

Dito pumapasok ang pangamba na baka nagagamit ang Blue Ribbon Committee hindi para isulong ang kaso laban sa tunay na may sala, kundi para sa paninira ng mga hindi kaalyado. Character assassination kumbaga. Kung hearsay lamang ang basehan at inuulit-ulit pa ito, habang ang mga direct na salaysay ay tila hindi tinutukan, hindi mo masisisi ang taong-bayan kung maisip nila na may sinusundang script o direksiyon ang komite. Iyan lang naman ay kung mayroon ngang script. Hehehe

Tandaan natin, walang kapangyarihan ang Senado para magpaaresto batay sa mga testimonya sa hearing. Ang mga pagdinig ng Blue Ribbon ay fact-finding lamang. Hindi sila ang nagdedesisyon kung may krimen na naganap, at hindi rin sila ang nagdedeklara ng probable cause. Ang tanging makapagpapasya kung may dapat sampahan ng kasi ay ang Office of the Ombudsman. Sila ang titingin kung alin sa mga testimonya ang may legal na bigat at maaaring gamiting ebidensiya sa pormal na reklamo.

Sa ngayon, wala pang inaaresto dahil wala pang naisusumiteng kaso na may sapat na ebidensiya. Ang lahat ng testimonya—hearsay man o firsthand—ay dadaan pa sa pagsusuri ng Ombudsman bago makarating sa korte.

Ito ang dapat nating bantayan. Kung seryoso tayong malaman ang katotohanan, hindi maaaring mas mabigat ang kuwentong sabi-sabi kaysa salaysay ng taong nandoon mismo sa pangyayari. Ang hearsay, kahit gaano kaingay, ay hindi maaaring ipantapat sa tunay na ebidensiya.

Huwag sanang gawing entablado ang Senado para sa pansariling kapakanan. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ex-Cong. Co, paano makauuwi kung may banta sa buhay?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA ISYU ng kontrobersiyal na flood control ghost projects ng Department …