Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marco Polo Ignacio Gawad Dangal Filipino

Marco Polo Ignacio, kinilala bilang Outstanding Musician of 2025 sa Gawad Dangal Filipino Awards

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SI Marco Polo Ignacio ayisang kompositor, tagapag-ayos ng musika (arranger), biyolinista, at guro sa musika.

Ginawaran siya ng award bilang Outstanding Musician of 2025 sa Gawad Dangal Filipino Awards, na itinatag ni Direk Romm Burlat noong September 19, 2025. Kabilang sa awardees ang mga tanyag na artista at personalidad gaya nina Judy Ann Santos, Piolo Pascual, Gladys Reyes, PAO chief Persida Acosta, Mayor Bob Dela Cruz, at marami pang iba.

Si Ignacio ay naging Outstanding Musician sa Gawad Dangal Filipino awards dahil sa pagiging tanyag na musician at guro na nagtuturo ng rondalla, na  madalas ay nagiging sikat ang mga rondalla performances ng kanyang mga estudyante sa Fortunato F. Halili National Agricultural School (FFHNAS), dahil sa kanyang mga rondalla arrangements.

Thankful si teacher Marco Polo sa ginawad sa kanyang parangal.

Aniya, “Sadya po akong nagpapasalamat sa pagpili sa akin bilang Outstanding Musician, sa tulong na rin po mula kay Ma’am Gladys Reyes, isang artista at head teacher ng aming school.”

Kasama ang FFHNAS Rondalla, sila ay nagtanghal sa It’s Showtime sa kaarawan ni Jugs Jugueta noong Enero 25, 2025 ng kantang “Beer” at “Akin Ka Nalang” ng The Itchyworms.

Ngayong taon ay gumawa rin niya ang mga rondalla arrangement ng “Pretty Little Baby” (Connie Francis), “Magbalik” (Lily), “Blue” (Yung Kai), at “Multo” (Cup of Joe) — lahat ay may daan-daang libo hanggang milyong views sa Tiktok at Facebook.

Isa sa pinakabagong viral videos niya ay ang arrangement ng “It’s Showtime” theme, na napansin at muling ibinahagi ng mga host ng programa, pati ng ilang artista at management ng ABS-CBN.

Ang kanyang pinakabagong mash-up arrangement ay ang “Nandito Ako” (Ogie Alcasid) at Beer (The Itchyworms), na muling ibinahagi mismo ng The Itchyworms sa kanilang fan page.

Noong Nobyembre 5, 2025, inimbitahan ang FFHNAS Rondalla upang magtanghal at dumalo sa isang rondalla seminar sa University of Santo Tomas Conservatory of Music, katuwang ang Musika Pilipinas, ang nangungunang research center para sa Musikang Filipino.

Bilang pagbabalik-tanaw, noong 2023, ang kanyang mga rondalla arrangement ng “Jopay” (Mayonnaise) at “Cupid” (Fifty Fifty) ay sumikat sa TikTok. Noong Setyembre 19, 2023, nag-guest ang rondalla sa “Dapat Alam Mo” (GMA 7) upang itanghal ang kanilang bersiyon ng Cupid.

Noong 2024, lalong lumawak ang kanyang kasikatan sa social media dahil sa mga arrangement niya ng Beer, Akin Ka Nalang, at Superhero, bilang tagapagtaguyod ng makabagong pop rondalla music.

Si Ignacio ay nagtapos ng Bachelor in Music, Major in Composition noong October 2007. Ngayon siya ay nagtuturo sa Fortunato F. Halili National Agricultural School, Guyong, Santa Maria, Bulacan. Mula pa sa kanyang college days hanggang sa kasalukuyan, siya ay isang wedding violinist, pangunahing kasapi ng GSeven Band

Noong 2018, galing sa Santa Maria Central School ng limang taon ng pagtuturo sa elementarya, lumipat siya sa Fortunato F. Halili National Agricultural School (FFHNAS) bilang guro sa ilalim ng Special Program for the Arts (Music).

Pagsapit ng 2018–2019, siya ay nag-ayos ng mga sikat na awitin para sa rondalla gaya ng “Titibo-Tibo”, “Kiss Me Kiss Me”, “Mundo”, at “Buwan”.

Ang video performance ng Mundo ng kanilang rondalla ay naging viral din at itinampok sa “24 Oras” (GMA 7) at iba’t ibang Facebook news pages at blogs, dahilan upang sumikat ang FFHNAS Rondalla sa magdamag. Sila ay naimbitahan din sa programang “Good Morning Kuya” sa UNTV noong Setyembre 30, 2019.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …