Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Margaret Diaz

Margaret Diaz swak bilang Bagong Pantasya ng Bayan, tampok sa remake ng “Balahibong Pusa”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG newbie sexy actress na si Margaret Diaz ay tiyak na mapapansin sa kanyang launching movie, na remake ng “Balahibong Pusa”.

Bukod kasi sa kanyang malupet na sex appeal, kakaibang kaseksihan ang masisilip sa dalaga sa pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Roman Perez Jr. At ayon sa aming nabalitaan, si Margaret ay nagpakita nang mahusay na pagganap dito.

Astig ang newcomer na ito dahil sa kanyang first movie pa lang ay bida na agad siya. Ano ang reaction niya rito?

Tugon ni Margaret, “Ako po’y very thankful at grateful po ako sa Viva management at sa manager ko na ipinagkatiwala nila itong magandang pelikula na ito sa akin.” 

Sa orig na Balahibong Pusa na pinagbidahan nina Rica Peralejo at Joyce Jimenez almost 25 years ago, kaninong role ang ginampanan niya sa remake nito?

“Kay Joyce Jimenez po,” matipid na tugon ni Margaret na talent ni Ms. Len Carrillo.

Nabanggit din niyang may kaibahan ang kanilang new version sa orig na pelikula, “Yes po, may mga kaibahan po… may makikita rito na bagong twist but yet, more interesting po.”

“Ano dapat i-expect ng viewers po sa movie namin?” Ulit niya sa aming tanong. “The strong emotions po na ma ipapa-feel sa inyo ni Sarah. Ang name po ng character ko ay si Sarah.” 

Dagdag pa niya, “Ang naka-love scene ko po sa movie ay sina Nick po at Michel, played by Itan Rosales and Mark Anthony Fernandez.”

Si Joyce ay kilala noon sa bansag na Pantasya Ng Bayan, kung tatawagin siyang Bagong Pantasya ng Bayan, ito raw ang mapi-feel ni Margaret: “Siyempre po magiging super-flattered po ako if tatawagin pong ganoon. Kasi noong time po ni Joyce Jimenez, she was very iconic po and yung role niya na ginampanan sa movie was very iconic din po during her time.”

Gaano siya ka-ready na magpa-sexy sa pelikula? Ano ang limitations niya sa pagpapa-sexy? “Sa totoo lang po, pinaghandaan ko po talaga physically and emotionally ang movie namin.

“About naman po sa aking limitations, as long as needed talaga sa story at maganda ang kalalabasan nito… yes po, willing ako to do all,” diretsahang sambit pa ni Margaret.

Sa Nov. 28 na ang world premiere ng Balahibong Pusa sa VMX.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …