Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diane de Mesa Do You Feel Christmas

“Do You Feel Christmas?” bagong single ni Diane de Mesa  

HALOS taon-taon ay naglalabas ng Christmas song si Diane de Mesa. This year, ang new Christmas single niya ay pinamagatang “Do You Feel Christmas?”    

Esplika niya, “Almost every year ay naglalabas naman ako ng Christmas single. Mostly another “hugot” emotional sentimental love song again, para sa mga makaka-relate at target ko ang mga may pinagdadaanan ngayong Pasko, kung kailan dapat ang lahat ay magsaya.

“Ang Do You Feel Christmas? ay para sa mga may nami-miss during the holiday season. Na kahit pilitin nilang maging masaya, hindi nila maramdaman ang tunay na saya na dala ng Kapaskuhan dahil may isang taong hinahanap-hanap pa rin nila.

“Maaaring para sa mga taong kaka-break lang or malayo sa kanilang mga mahal sa buhay ang kantang ito.” 

Ano ang kanyang inspirations sa paglikha nito? “Ang inspiration ko sa paglikha ng Do You Feel Christmas ay ‘yung mga emosyon na nararamdaman ng maraming tao tuwing Pasko – nostalgia, longing, at ‘yung paghahanap ng warmth kahit may kaunting lungkot.  Gusto kong i-dedicate itong awitin ko sa mga makaka-relate sa ganitong sitwasyon, ang mga malulungkot ngayong Pasko.

“When I wrote the song, inilagay ko yung sarili ko sa kung ano ang nararamdaman ng mga taong may nami-miss sa Kapaskuhan, when it’s supposed to feel magical. Na sa gitna ng kasiyahan, deep inside your heart ay may kulang… I wanted to capture that bittersweet mix of nostalgia, hope, and longing that many people experience during the holidays.” 

Ayon pa kay Ms. Diane, halos 1000 songs na ang nalikha niya. “Wow, I have written about 1,000 songs, pero iyong iba roon ay mga lyrics and melody pa lang at wala pang final arrangements. Sa mga albums and singles ko naman, I’m approaching at least 200 songs na, ang mga compositions ko na na-release ko na.” 

May plans ba na maglabas siya ng new album? “Yes Kuya Nonie, I’m currently working on my 7th studio album to be released next year, 2026,” 

Bukod sa pagiging singer/recording artist, nabanggit din niya ang pinagkakaabalahan sa US.

“Bukod sa music, I also work full time as a Registered Nurse. I also do my weekly broadcasts sa aking multimedia production page, ang “DDM Studio Live” ang “Notes From The Heart” show na I interview other indie artists regarding their music. Kapag wala akong work ay doon ko nagagawa ang mga music-related tasks and broadcasting,” aniya pa. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …