Monday , December 8 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stephan Estopia Kiray Celis

Kiray Celis, nilinaw nag-viral na photo sa Japan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NILINAW ng aktres-entrepreneur na si Kiray Celis ang nag-viral na photo sa Japan na kinasangkutan niya at ng fiancé na si Stephan Estopia.

Ito ang prenup photos nina Kiray at Stephan na makikitang nakaupo siya sa ibabaw ng vending machine sa isang tourist spot sa Japan.

Ayon kay Kiray, nagulat siya nang paggising dahil nag-trending siya sa socmed. Pero, sinabi niyang mayroon silang permiso sa mga kinauukulanan bago nila ito ginawa.

Aniya, “Lahat nang puwede mag-pix sa Japan ay nakita ko na at iyang vendo machine na iyan, nai-google ko na iyan. So noong pumunta kami roon, talagang full of love, excited, prenup, ganyan… Tapos umuwi kami, excited sa mga pictures, upload…

“The next day pagkagising ko, sabi ko sa dyowa ko, ‘Parang viral ako, anong mayroon, bakit parang ang dami yatang nagagalit?'”

Nang napagtanto daw ni Kiray, nagre-react pala ang marami dahil sa photo niya sa ibabaw ng vending machine. “Nagulat po ako, kasi sa vending machine, iyon po ang pinaka-pinagkaguluhan ng mga dayuhan noong nagsu-shoot kami na parang hindi lang nila masabi, ‘Wow, ang taray naman nito! Ang cute naman niya, ang tapang-tapang naman niya,’ parang ganoon po.

“So talagang iyong compliments noong nagsu-shoot kami ay overwhelming at siyempre, may permission sa authority. Kaya parang, ano ang nangyari?” Nagtatakang reaction pa niya.  “So, noong lumabas, I deleted the photo, pero hindi lahat ng photos, iyon lang talaga dahil parang iyong lang ang pinagdiskitahan nila,” esplika pa niya.

“Pero sa mga na-offend, sa mga nagalit na mga Filipino o mga OFW po, pasensiya na po, huwag na kayo magalit.

“At sa lesson na natutunan ko rito, I think maging sensitive enough. Na kahit may permiso, kahit puwede, intindihin mo rin ang mararamdaman ng mga kasama mo o makakakita roon.

“Sa mga OFW natin, naku mahal na mahal ko kayo, lalo na po iyong mga taga-Japan. So, sa mga na-hurt or nagalit, no harm done, wala pong nasaktan, wala pong nagalit during the shoot. Let’s spread love at maging kind na lang po tayo sa isa’t isa.” mahabang pahayag pa ni Kiray.

Anyway, ang naturang event ay launching ng bagong product lines na Hot Babe Green and Skin Vibe by Kiray’s Brands, na si Kiray Celis ang CEO. 

Ang Hot Babe Green ay isang health product na ginawa upang isulong ang kagalingan, pagpapahinga, at balanseng pamumuhay. Ang koleksiyon ng Hot Babe Green ay nagtatampok ng tatlong kapana-panabik at nakakapreskong lasa: Chamomile Tea, Lemongrass Pandan, at Pistachio Matcha. 

Dito ay inihayag din ni Kiray ang kanyang pinakabagong tatak ng pangangalaga sa balat, ang Skin Vibe, na nagtatampok ng dalawang bagong produkto: Singova Bleaching Scrub at  Pwettura Bleaching Cream. Pati na ang mga dapat abangan sa pagdiriwang ng 1st anniversary ng kanyang kompanya sa isang Thanksgiving sa January 2026, na may mga exciting surprises para sa lahat ng supporters at partners.

Ang mga produktong ito ay available na sa major e-commerce platforms kasama na ang Facebook, TikTok Shop, Shopee, at Lazada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …