Monday , December 8 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin nina Juan “Johnny” Revilla bilang bagong Vice Chairperson at Jose Emeterio “Joey” Romero IV bilang bagong Board Member ng Ahensiya nitong Martes, Nobyembre 11, sa Nida Blanca Conference Room ng MTRCB.

Nobyembre 7 nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang appointment papers ng dalawa.

Si Revilla ay isang respetadong aktor sa pelikula at telebisyon. Nagsilbi rin siya bilang kinatawan ng OFW Family Party List noong 2013. Bilang Vice Chairperson, bitbit ni Revilla ang mga karanasan at kasanayan sa industriya ng pelikula at telebisyon, pati na rin ang paglilingkod sa taumbayan.

Si Romero naman ay isang direktor sa pelikula at anak ng yumaong Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula na si Eddie Romero. Dala ni Romero ang mga kaalaman sa paglikha ng pelikula sa mahabang panahon.

Bago nito, naging MTRCB Board Member na si Romero noong 2000-2005 at napabalik noong 2011-2018.

Kasalukuyang  miyembro si Romero ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival simula 2023 at nagsilbing miyembro ng MTRCB Appeals Committee sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo mula 2024.

Tiwala si Sotto na ang dalawa ay makapagbibigay ng malaking kontribusyon sa pagpapatibay ng mandato ng Ahensiya.

“Nagpapasalamat tayo sa pagkakahirang nina Vice Chairperson Johnny Revilla at Board Member Direk Joey Romero sa MTRCB. Ang kanilang malawak na karanasan sa media, pelikula at serbisyo publiko ay tiyak na magiging mahalagang bahagi sa pagpapatatag ng ating mga programa at adbokasiya para sa Responsableng Panonood,” sabi ni Sotto.

Nagpasalamat din si Sotto kay dating Vice Chairperson Atty. Paulino Cases Jr. sa kanyang di “matatawarang dedikasyon at serbisyo sa ahensya.” Kinilala rin ni Sotto ang malaking ambag ni Cases para sa patuloy na pag-unlad ng MTRCB.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …