Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang Pascual Laboratories, Inc. (PascualLab) at institutional co-patentees nito para sa tatlong (3) eksklusibong nutraceutical patents ng grupo sa 10th Year Anniversary ng Technology Transfer and Business Development Office ng U.P. Manila. 

Tinanggap ng grupo sa pangunguna ni PascualLab Research & Development (Herbal) head Reginald Philip Alto ang parangal na iginawad para sa collaborative research ng grupo sa ilang mga halamang matatagpuan lamang sa Filipinas, kabilang na ang methods of preparations – lahat sinaliksik at sinuri sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST)  Tuklas-Lunas Program.

Ayon sa IPO (Republic Act No. 8923 or Intellectual Property Code), ang ekslusibong patents na ito ay

nangangahulugang ang PascualLab at co-patentees nito ay may ekslusibong karapatan sa intellectual property ng mga naturang formulations at methods sa susunod na 20 years simula noong filing date. 

Ang parangal ay magpapalakas pa ng intellectual property portfolio, pati na rin ng product offerings ng kompanya sakaling maaproba at mailabas na ang mga formulations bilang produkto sa merkado.

Ang PascualLab ang kompanya sa likod ng brands tulad ng Poten-Cee vitamin C, Ascof Lagundi, C-Lium Fibre food supplement, OraCare Mouthrinse, at iba pa. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …