Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula 5 last October 29 sa Viva Cafe. Hindi lang kasi magagandang performance ang napanood dito mula sa tampok na grupo, kundi ang nakitang suporta ng kanilang mga kaibigan, kabilang ang magagaling na performance ng mga guest na lalong nagpainit sa festive mood ng okasayon.

Ang Formula 5 ay binubuo nina Kirby Bas, Kier, Shone Ejusa, Oliver Agustin, at Frank Lloyd Mamaril na siyang nagbuo ng grupo at tumatayong manager nito, minsan pang pinatunayan ng talented na grupo ang kanilang husay sa larangan ng musika.

Si Frank ay unang mas nakilala bilang director ng mga concert. Siya rin ay isang composer, actually, lahat ng member ng Formula 5 ay may kanya-kanyang maipagmamalaking talento pagdating sa music.

Ito ang masasabi ng grupo sa kanilang journey sa unang taon nila sa music industry.

Pahayag ni Frank, “Having a first (year) anniversary, parang it makes it… it validates more na parang iyong ginagawa namin is may pinupuntahan. For the longest time, these boys and I am also, are waiting for an opportunity for people na makilala kami, makapag-perform kami sa iba’t ibang stage, magkaroon kami ng sarili naming mga kanta, eto na ngayon, sine-celebrate po namin iyon.

“At the same time, siyempre ay binibigyan din namin ng opportunity para makilala rin kami ng iba sa industriyang ginagalawan namin.”

Esplika naman ni Kier, “Isa po siguro sa highlights ng aming journey as Formula 5 ay ‘yung mabigyan kami ng pagkakataon to perform sa Filipino community sa abroad like sa Taiwan at South Korea. Kumbaga, very surreal ‘yung pakiramdam to perform abroad at ma-experience ito.”

“Ano rin po siguro, sa loob ng isang taon po, iyong mga awards na na-received namin at na-recognized kami ng ibang award giving bodies, at may patutunguhan ang aming grupo,” sambit ni Shone.

Si Kirby ay sinabing hindi siya halos makapaniwala sa takbo ng kanilang career. “Nakaka-touch kasi iyong mga dating napapanood lang namin sa TV, ngayon nakaka-work na namin. Marami kaming natutuhan, not just sa craft, pero sa isa’t isa rin.”

Para naman kay Oliver, “Para sa akin, iyong mga taong nakasasalamuha namin, fans, supporters, producers at mga tumutulong sa amin sa likod ng stage, sila talaga iyong nagbibigay ng meaning sa ginagawa namin.”

Incidentally, tatlo ang new song ng grupo, ito ang “Sa Darating Na Pasko,” “Hangganan,” at ang Visayan song na “Di Na Ka?”

Samantala, ang anniversary concert nila ay mas lalong naging espesyal sa mga guest nila na kinabibilangan nina Kakai Bautista, Clover Six, Erika Mae Salas, at iba pa. Nandoon din ang friends ng grupo na pinangungunahan ng komedyanteng si Alex Calleja,

Astig at patok ang performance ng guests nila dahil magagaling lahat, pero iba talagang mag-perform si Kakai at as usual, lahat ay pinabilib niya that night sa kanyang husay. 

Sa pagpasok ng ikalawang taon ng Formula 5 sa music scene, asahan ang bigger dreams, bolder steps, more music, bigger stages, and more stories to tell para sa talented na grupomg ito.

Muli, congrats Formula 5!  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …