Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lakambini Gregoria De Jesus Rated PG MTRCB

Pelikulang “Lakambini, Gregoria De Jesus,” binigyan ng rated PG ng MTRCB

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BILANG bahagi ng paggunita sa ika-150 taong kapanganakan ng isa sa mga dakilang Katipunera na si Gregoria de Jesus, ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay binigyan ng PG rating and pelikulang “Lakambini, Gregoria De Jesus.”

Kapag rated PG, ang mga tema at eksena ng pelikula ay angkop para sa mga edad 13 pababa, basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.

Ang pelikula ay tungkol sa buhay ni Gregoria “Oriang” de Jesus, ang Lakambini ng Katipunan, na ang tapang at pag-ibig sa bayan ay sumasalamin sa mahalagang papel ng kababaihan sa pakikibaka para sa kalayaan ng Filipinas.

Sa pamamagitan ng kanyang kuwento, ginugunita rin ng pelikula ang kabayanihan ng napakaraming babaeng Filipino na nakipagdigma at pinatunayan na ang mga kababaihan ay may lakas din para ipaglaban ang kasarinlan ng bansa.

“Bilang bahagi ng aming pagsuporta sa mga historikal na pelikulang Filipino, nananatiling tapat ang Board sa pagbibigay ng angkop na klasipikasyon upang matulungan ang mga magulang at manonood na magkaroon ng gabay sa kanilang panonood,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto.

“Ang mga pelikulang tulad ng ‘Lakambini, Gregoria De Jesus’ ay hindi lamang nagpapayaman ng ating kaalaman sa kasaysayan at kultura, kundi nagsisilbi ring makabuluhang kasangkapan sa pagsusulong ng responsableng panonood ng mga Filipino,” dagdag pa niya.

Kasabay nito, nagbigay din ang MTRCB ng angkop na klasipikasyon sa iba pang pelikula.

Ang animated movie na “Peppa Meets the Baby Cinema Experience” ay may G (General Audience) rating, na angkop para sa lahat ng manonood.

Ang “Predator: Badlands” naman ay rated PG, at nagkukuwento tungkol sa isang batang Predator na itinakwil ng kanyang angkan at nakatagpo ng hindi inaasahang kakampi.

Ang “The Grieving,” isang suspense drama tungkol sa isang babae na sinusubukang unawain ang mga kababalaghan matapos pumanaw ang kanyang ama, at ang “World Breaker,” isang sci-fi action tungkol sa isang lalaki na itinago ang kanyang anak sa isang isla para maprotektahan at mapaghanda ito sa mga darating na panganib, ay parehong R-13, para lamang sa mga edad 13 pataas.

Samantala, ang mga black comedy drama na “Die My Love,” tungkol sa isang inang nakararanas ng postpartum depression kasama ang kanyang kasintahang dumanas ng psychosis, at “Bugonia,” na tungkol naman sa dalawang kabataang lalaki na dumukot sa isang makapangyarihang CEO at pinaghihinalaang isang alien na nais wasakin ang mundo, ay parehong may R-16 rating, na angkop lamang sa mga manonood na may edad 16 pataas.

Sa pamamagitan ng angkop na klasipikasyon, patuloy na ginagabayan ng MTRCB ang mga Filipinong manonood, lalo na ang mga magulang at nakatatanda, sa pagpili ng mga palabas na makatutulong sa responsableng panonood para sa kanilang sarili at pamilya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …