Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marianne Bermundo

Marianne Bermundo espesyal ang debut, focus sa studies at career

BATA pa lang nang nakilala si Marianne Bermundo bilang beautyqueen-model. Ngayon ay ganap na siyang dalaga at nagdiwang ng 18th birthday recently.

Naging espesyal ang araw na ito para sa magandang debutante. Nabanggit ni Marianne ang kanyang birthday wish.

Aniya, “Maging happy and healthy lang po at matupad ang mga pangarap sa buhay… and maging inspiration po sa lahat. Right now, I’m overwhelmed and I’m very grateful to the people that is with me today.”

Ano ang best gift na kanyang natanggap? “I think, the best gift that I ever received is from God and that is the gift of life,” matipid na sagot niya.

Ano ang advice ng parents niya ngayong 18 na siya? “Ang advice po ng parents ko ay maging happy daw po ako sa mga ginagawa ko and matupad ko po iyong mga pangarap ko, in my own way.”

May plano ba siyang sumali sa national beauty pageant? “Right now po, I cannot disclose any information, since I don’t have definite plans, yet.”

Ano ang plans sa kanyang showbiz career?  “I think about showbiz, wala pong definitely plans pa sa ngayon, ang inaasikaso ko po sa showbiz right now ay iyong movie namin na Ako Si Kindness and about my life, my studies. I am studying at PLM, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Bachelor of Science in Accountancy. It is a very hard course and I am focusing thoroughly with that, right now,” pahayag niya.

Kung sasali na siya sa national pageant, anong particular pageant ang gusto niya? “Ever since I was a kid, I really want to join the Miss Universe, Philippines.”

Ang Ako si Kindness, tungkol saan ito? “Well, it is an advocacy film and my character is Arissa. It is about this girl that is not understood by many. And that was very important to me, because it gives me a sense of understanding to those people na it’s very hard to communicate with.”

Bakit ganoon ang title? “Well, the movie, it revolves around the word kindness, po.”

“Bale, ito talaga ang first movie ko po, pero hindi pa naipapalabas and may naunang isa na naipalabas na. Ito po ‘yung horror movie na ang title is Magnum,” aniya pa.

Nabanggit din niya ang message sa kanyang family and fans.

“Thank you po sa family ko for being so  ever supportive and to my friends and followers, thank you for supporting me and now na eighteen na po ako, I hope that you will continue to support me in my journey in life,” masayang sambit pa ni Marianne.

(30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …