Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Amor Lapus

Amor Lapus, game sumabak sa sexy-kontrabida role

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HANDA na sa kanyang pagbabalik-showbiz ang sexy actress na si Amor Lapus. Si Amor ay nakilala noon sa mga daring at palaban niyang role sa Vivamax.

Ayon sa aktres, gusto niyang subukan ang pagsabak sa role na kontrabida, kung mabibigyan siya ng chance.

Bungad ni Amor, “Game naman po akong 

sumabak sa kontrabida role, kung mabibigyan po tayo ng chance. Lalo na bago po ito sa akin, gusto ko pong matuto nang paunti-unti at sumabak sa mga ibibigay na role po sa akin. 

“Alam ko po na nawala po ako nang ilang taon at ngayon po ay nagbabalik ako sa mundo ng showbiz, kaya gusto kong may maipakita.”

Esplika pa ni Amor, “Para sa akin po, kakaibang challenge ito and game akong magmaldita po para magampanan ang role.”

Sino ang hinahangaan niyang kontrabida? 

Tugon ng aktres, “Ang kontrabida na hinahangaan ko po ay sina Gladys Reyes, Cherie Gil, and Jean Garcia po.

Sila ang mga kontrabida na gustong-gusto kong napapanood sa mga pelikula o sa mga teleserye po. 

“Magagaling po talaga silang umarte at lagi silang nakaiinis at nakagigigil sa pagiging maldita… lalo na po sa mga inaapi o pinagmamalupitan nila. Sobrang nakaaapekto po sa damdamin ng manonood kapag sila po ang napapanood na kontrabida, ang gagaling po nila kasi talaga.”

Nakangiting dagdag ng tsinitang aktres, “Ramdam na ramdam po talaga ‘yung pang-aapi nila sa bawat character na ginagampanan nila. Like ‘yung pagsabunot at pagsampal ay parang totoo, na akala ng manonood ay totohanan na talaga ang ginagawa nila.

“Sana po balang araw ay ma-experience ko ang bawat sampal na dadampi sa mukha ko po, hahaha! 

Alam ko po na talagang kailangan  maging handa, pero sana handa po akong masampal sa bawat kontrabida role at maging alipin po. Hindi lang sa pagiging action movie o pagiging sexy, pati po sa ibang role sana.

“Kasi sa totoo lang po, para sa akin, naniniwala ako na roon po kasi mahahasa ako lalo sa pag-arte,” sambit pa ni Amor na nagtapos ng  kursong Customs Administration sa Asian Institute of Maritime Studies.

Idinagdag ng sexy actress na bukod sa role ng kontrabida, dream niya talagang sumabak sa action movie, someday. 

Ani Amor, “Ang dream role ko po ay iyong sasabak ako sa action, na may halong esksenang seksi rin. Kasi para sa akin, ang astig ng babae na may hawak na kutsilyo o baril. Na at the same time, natutuhan mong mag-self defense sa kalaban mo.

“Kapag ang babae napapanood mo na sexy at maganda, tapos ginampanan niya ‘yung ganoong role, mapapahanga ka sa galing dahil para po sa akin all in one siya at maganda ang kinalabasan.”

Pahabol na dagdag niya, “Mahilig po ako sa panonood sa mga action, kaya gusto kong gampanan iyon. Gusto ko rin po na mahasa sa pag-arte at mahasa pa lalo sa pag-aaksiyon. Na sana makatrabaho ko po ang magagaling na artista sa industriya.

“Wish ko po sa pagbabalik-career ko sana, positivity, hindi lang po sana sa paghuhubad sa movies at pagiging seksi, sana malagpasan ko po ang role na ganito at magkaroon po ako ng mga proyekto na wholesome.

“Gusto ko po sana na magkaroon ng mga proyekto na makakasama ang magagaling po sa industry dahil matututo po ako sa kanila. Lalo sa pag-acting, kahit mag-umpisa po ako ulit, mahirapan man, okay lang po sa akin hanggang matuto ako at maging katulad ng mga artista na hinahangan ko na magagaling po.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …