Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew Gan Dennis Trillo Kiel Rodriguez

Andrew Gan bad guy sa “Sanggang Dikit FR,” pinuri si Dennis Trillo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

UNANG sabak ni Andrew Gan sa taping ng TV series na “Sanggang Dikit FR” ng GMA-7 na tinatampukan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, nang nakahuntahan namin ang aktor via FB.

Matipid na bungad niya sa amin, “Opo, day one ko ngayon.”

Aniya pa, “Bad guy ako rito tito, bad guy ang role ko, Niknok name ng character ko. Yes po, kalaban ako rito nina Dennis, na first time kong makatrabaho.

“Although sina Dennis and Kiel (co-actor and kasama sa larawan) ay nakakalaro ko naman sa basketball. Pero first time ka-work po rito, at isang malaking karangalan na maka-work si MMFF Best actor, hehehe.”

Ano ang masasabi niya kay Dennis? “Generous actor siya, masarap kaeksena at hindi madamot si Dennis.”

Enjoy ba siyang gumanap na bad guy dahil challenging o mas gusto niya ang good guy na role?

Esplika ni Andrew, Both naman tito, na-eenjoy ko. And kung ano ibigay sa akin lagi ko namang ibinibigay ang 100 percent ko. Pero mas nae-enjoy ko kapag bad guy ang role, kasi mas malawak iyong range na puwedeng gawin sa character”

May technique ba siyang sinusunod kapag kontrabida ang kanyang role?

Aniya, “Wala naman akong technique na sinusunod, tito. Depende sa sasabihin ng director, then from there, magdadagdag na lang ako ng flavors.”

“Grateful po ako sa GMA-7, kasi so far ay sa mga malalaking show ako naica-cast kahit hindi naman ako in-house. Kaya sobrang grateful po… naging part ako ng “Royal Blood” with Dingdong (Dantes), “Black Rider” and itong Sanggang Dikit. Nataon po na puro primetime pa,” masayang sambit pa ni Andrew.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …