ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
NAGPAPASALAMAT sa GMA-7 ang veteran actress na si Lovely Rivero dahil bahagi siya ng casts ng “Hating Kapatid” tampok sina nina Carmina Villaroel, Zoren Legaspi, Cassy, at Mavy Legaspi.
Aniya, “Ang aking lubos at taos-pusong pasasalamat sa mga bumubuo nito at siyempre pa, sa GMA Network na patuloy na nagtitiwala sa akin at nagbibigay ng projects at trabaho.
“Malaki po ang pasasalamat at utang na loob ko sa kanila, kaya naman lalo ko pang pag-iigihan ang aking trabaho. At siyempre pa, salamat sa ating Ama sa langit for the talent, the work opportunities at the provisions. Grateful ako everyday talaga.”
Ano ang papel niya rito? “Ako si Adela ang kababata ni Roselle, played by Carmina, noong nasa Benguet pa kami. Ako ang confidante niya at voice of reason at nakaaalam ng mga bagay-bagay at sikreto niya sa buhay.”
Aniya pa, “Hating Kapatid ang title, kasi tampok dito ang kambal na Legaspi siblings na sina Mavy at Cassy, napaghiwalay sila noong ipinanganak, yet dugtong or connected ang kanilang puso at isip gaya ng mapapanood sa istorya.
“Ito ay istorya ng mga pusong nagmamahalan na napaghiwalay ng sitwasyon, circumstances, at panahon, ngunit nananatili pa rin ang pagmamahal na iyon at koneksiyon dahil na nagbunga ito ng mga kambal na anak.”
Bukod sa nasabing serye, si Lovely ay mapapanood sa Amazon Prime sa international indie film na “The Visitor”.
“Aside from Hating Kapatid, streaming sa Amazon Prime ang international indie film namin na The Visitor. Tungkol ito sa conflict sa Mindanao/Marawi between the Christians and Muslims, the Military and ‘yung mga tumiwalag.
“It’s an all English dialogue movie where I play the role of the Filipina mother of the American/Filipino/Japanese ng talented actor/writer/director na si Anthony Diaz, who plays a Navy seal who was born and raised in the USA and his mom brings him back to her homeland, the Philippines, where he gets involved in the Mindanao/Marawi conflict.
“Then, may mga guestings tayo here and there at sana magkaroon pa ng ibang movies at projects. And I’m also in a pre-production work for an online talk show with another actress and close friend, where we will talk about anything under the sun, no holds barred,” wika pa ni Ms. Lovely.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com