Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arah Alonzo

Arah Alonzo, excited na sa pagtawid sa Viva One

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO si Arah Alonzo na kakaibang excitement ang nararamdaman niya ngayon sa kanyang pagtawid mula sa VMX to Viva One. Kilala ang VMX app sa mga sexy movies, samantala pang-wholesome naman ang Viva One.

Pahayag ni Arah, “Excited po ako! Parang bagong chapter sa career ko ito.”

Pagpapatuloy pa ng magandang aktres, “Gusto ko rin kasing ma-challenge sa ibang roles, para hindi lang puro pa-sexy, gusto kong maipakita na kaya ko rin umarte in different ways.”

“Masaya ako sa development po na ito! I feel proud of myself. Parang it’s a sign na nagbubukas ulit ng bagong doors sa career ko,” masayang reaction pa niya na from being a sexy actress ay nakatawid na siya sa wholesome na image.

Kinakabahan ba siya sa paglipat sa Viva One?

“Kinakabahan din po, pero mas nangingibabaw po talaga ‘yung excitement sa akin ngayon. It’s a chance kasi para ipakita ko naman po ang ibang side ko… na kaya ko rin mag-deliver ng performance, beyond sexy roles.”

Si Arah ay umarangkada sa sexy projects noong taon 2024 sa ilalim ng pangangalaga ng kilalang talent manager na si Jojo Veloso.

Buo ang loob niya sa mga ginagawang projects, dahil para sa dalaga, bahagi ito ng kanyang trabaho bilang artista.

May ginagawa ba siyang preparations sa paglipat niya sa Viva One? Nag-acting workshop ba siya?

“Yes po, part ng preparations ko ay pinapanood ko ‘yung iba’t ibang movies para makakuha ng ideas kung paano maglaro ng emotions. And of course, more practice po dapat sa acting.

“About naman po sa acting workshop, I’m preparing for a workshop na po, kasi gusto kong seryosohin ‘tong transition. Para pagdating ko sa set, ready ako and confident po,” nakangiting pakli pa ni Arah.

Nabanggit din ng flawless na aktres ang genre ng pelikulang gusto niyang gawin.

Aniya, “Gusto ko sana ay sumabak po sa drama, with a bit of comedy. Iyong may hugot pero may katatawanan din, or even suspense! Para maiba naman po, hindi ba?”

Sa palagay ba niya mahirap ang magiging transition niya sa pagtawid sa Viva One?

Tugon ni Arah,  “Medyo, kasi sanay ako sa isang image. Pero I think challenge rin ‘yun and maganda kasi na growth din for me as an actress.”

Inusisa namin kung desidido na ba siyang hindi na tumanggap ng sexy project, kahit maganda ang role at magalimg ang direktor?

Esplika niya, “Open pa rin ako, pero this time mas gusto kong mag-focus sa wholesome roles. For me, sexy isn’t just about showing skin, it’s about confidence and attitude. Basta maganda ang story at may sense ‘yung role, okay lang po. Gusto ko lang ngayon na mas makita ng tao ‘yung ibang side ko bilang actress at hindi lang sa sexy image.”

Ano ang wish niyang mangyari ngayon sa kanyang career?

“Ang wish ko po, sana ay tuloy-tuloy lang ang blessings at mabigyan ako ng more roles na makapagpapakita ng ibang side ko as an actress,” sambit pa niya.

Ayon sa aktres, game siyang sumabak sa kontrabida role dahil naniniwala si Arah na kakaibang challenge ito para sa kanya.

Abangan ang malaking pagbabago sa image at career ni Arah.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …