Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quezon City QC
Quezon City QC

4 proyekto ng QC-LGU na nakuha ng Discaya companies winakasan na

TINULDUKAN na ng Quezon City local government unit (QC LGU) ang apat na proyekto na nauugnay sa construction firm ng pamilyang Discaya, na ngayon ay iniimbestigahan sa maanomalyang flood control projects.

Sa inilabas na pahayag ng QC LGU kahapon, apat sa 1,300 proyektong pang-impraestruktura mula nang magsimula si Mayor Joy Belmonte sa kanyang termino noong 2019 ay iginawad sa mga entity na may kaugnayan sa Discaya.

Ang nasabing mga proyekto ay ang six-storey with deck multi-purpose building; mga panukalang konstruksyion ng reinforced concrete canal at Ermitaño creek; konstruksiyon ng Housing 32-Balingasa High Rise Housing (Phase 1A), at konstruksiyon ng Housing 32-Balingasa High Rise Housing (Phase 2), parehong nasa  Brgy. Balingasa.

“After the observance of the periods required by law, or as of September 19, 2025, all four of the said projects involving Discaya-linked companies have been terminated,” nakasaad sa pahayag.

Sinabi ng QC LGU na wala itong itinatago  pagdating sa mga proseso ng pagkuha sa mga proyektong impraestruktura.

“We condemn any and all malicious insinuations that only seek to distract from the actual schemes and perpetrators that have victimized our City and our Country. We remain steadfast and unwavering in upholding the trust of our people, and we will continue to ensure that public funds are used solely for the benefit of our QCitizens,” dadag sa pahayag. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …