ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG kilalang vlogger na si Rogelio Rabasto aka vlogger ‘Delicious Old Man’ na mayroong 255k followers sa kanyang FB Page ay may pelikulang ginagawa ngayon.
Ito ay pinamagatang ‘Respeto’ na isang pelikulang magbibigay ng aral sa mga kabataan, kung paano mahalin at tratuhin ang mga nakatatanda at magbibigay pag-asa naman sa mga matanda, tulad sa mga lolo at lola.
Marami na ang sumikat sa pamamagitan ng pagiging vlogger at isa na nga rito si Rogelio, na nag-level-up na nga dahil may pelikula na siya.
Ang nasabing movie ay handog at produce ng sarili niyang production, ang R.E.R. Movie Production, in cooperation with AAGS movie Productions. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk James Merquise. Si Rogelio rin ang Creative Director dito, mula sa screen play ni Ma. Leilani Paraan.
Kasama sa cast ng pelikulang ito ang ilang sikat na artista tulad nina Akihiro Blanco at Krishna Francisco. Ang ilan pa sa mga gaganap dito ay ang newcomers sa showbiz na sina Jaden Paraan as Jake, at Rhina Tugade na gaganap dito bilang teacher.
Simabi ni direk James ang ilang aabangan sa kanilang pelikula, “May hot bed scene sina Akihiro and Krishna sa film. Saka ako po, aside sa pagiging director, actor din ako sa movie namin. Ako yung killer… may action scene kami ni Akihiro sa film, abangan po sana ninyo ito.”
Kaabang-abang ang pelikulang ito, na target date maipalabas sa mga sinehan ang full length film na ito this coming holiday season.
Sa mga gustong mapanood ang mga video at vlogs ni Rogelio Rabasto, just follow his FB Page D O M. Abangan ang mga project na gagawin ng vlogger na si ‘Delicious Old Man’.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com