HARD TALK
ni Pilar Mateo
KAPAG talaga nag-build up ng loveteam ang Viva ni Boss Vic del Rosario, siguradong papatok at kakagatin ito ng mga tagasuporta.
Ilang dekada na ba? Na hindi pumapalakpak ang mga tagahanga. Nagti-tilian on the top of their lungs. At mayroon pa rin namang gaya ng mga nauna na masasabing die hard sa idolo nila.
Sa mediacon ng Viva para sa tampok na university series na sasampolan na tayo simula sa October 18, 2025, ang Golden Scenery of Tomorrow na sesentrohan ng pambatong loveteam ngayon nina Bea Binene at Wilbert Ross, kakaiba na ang ramdam ng kanilang fandom.
Kilig to the max alaga!
At halatang marunong ang magkatambal. Alam kung saan kiklitiin ang kanilang mga tagasuporta.
Para kay Bea, “Masasabi ko po na reliable ang aming loveteam ni Wilbert. He makes sure na maging comfortable ako, kami sa isa’t isa. Na hindi dahil sa trabaho lang lahat.”
Pansin nga namin, kung loveteam nga ang pag-uusapan all mine to give ang dalawa. Kaya nagwo-work ang kanilang chemistry. Pati sa pagsagot sa mga tanong. Swak!
“For this project, ibinigay ni Bea ang lahat. Kaya, nakita ko na talagang focused siya sa mga kailangan naming gawin. Ang maganda, lahat naman pinag-uusapan namin kasi nga komportable na kami sa kung anuman din ang ipagawa ni direk sa amin.”
Na ang mismong direktor nila eh, kilig na kilig din sa kanila. At never namroblema dahil nakita na raw niya kung gaano ka-komportable sa isa’t isa ang mga artista niya. Kaya hindi siya nahirapan. At alam na ng mga ito ang kailangan nila sa bawat eksena.
Natanong sila kung ano nga ba ang nakikita nila sa bukas nila.
Si Bea patuloy na magpo-pokus sa career. Kaya maghihintay ang lovelibe.
Pero si Wilbert, kaya raw pagsabayin ang career at love.
Umariba man ang loveteam nila, tiyak pang-malakasan na!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com