Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shyr Valdez

Shyr Valdez abala sa mga negosyo

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI nagpapaawat si Shyr Valdez. Bukod sa pag-aartista, kasali siya sa Akusada ng GMA na pinagbibidahan ni Andrea Torres, pagbuo ng House of D nina Dina Bonnevie, Oyo Sotto, Kristine Hermosa, Danica Sotto, at Marc Pingris. Involve rin siya sa marketing ng Nailandia at Skinlandia nina Juncynth at Noreen Divina.

At ngayon isang negosyo ang pinasok ni Shyr.

Ito ay ang GREENmile Coffee na kaka-pakilala lamang sa merkado.

Kasosyo rito ni Shyr ang President at CEO ng kompanya na si Ms. May Petilla na may 20 taon ng karanasan sa kalusugan na may kinalaman sa enerhiya at pagnenegosyo.

Partner din nina Shyr ang mahusay na abogadong si Atty. Mark Julius Estur.

Goal at target nila, sa pamamagitan ng GREENmile, ang kalusugan, wellness, at pagpapatibay ng mga komunidad.

Ang GREENmile Coffee ay isang uri ng 7-in-1 Coffee Mix na may Mangosteen, Organic Barley, Moringa, Collagen, at Monk Fruit na pampatamis.

Mayaman ito sa Vitamin E, Thiamine, Iron, Calcium, Magnesium, Phosphorus, at Potassium.

Mayaman ito sa fiber, antioxidants, binders, at carb blockers. Ang Dark Roast Premium Iced Coffee ay may matapang na coffee flavor, collagen at monk fruit, at kaunti rin ang taglay na asukal.

Maaaring umorder sa kanilang online social media accounts na [email protected] and social media: Facebook: at @GreenMile Instagram: @greenmile.health o kontakin si Pete Hurboda, Sales Manager sa +63 995 413 6978.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …