ANG newbie sexy actress na si Anne Marie Gonzales ay sumabak na sa tatlong pelikula sa VMX. Ito’y via “Jowa Collector”, “Bayo”, at “Hipak”.
Bago siya nag-artista, si Anne Marie ay nag-aaral ng kursong Nursing at nagmo-model. Siya ay talent ni Jojo Veloso at graduate na ng kurso niya sa kolehiyo, pero nasilaw siya sa kinang ng showbiz kaya’t sinubukan ang kapalaran sa mundong ito.
Nag-acting workshop ba siya?
“Nag-acting workshop po ako nang isang beses pa lang po sa Philmoda Management,” matipid na tugon niya.
Nabanggit din niya ang pinakaseksing project na nagawa.
Aniya, “Ang pinakaseksing nagawa ko po ay ang sexy scene sa maisan, na maraming ligaw na insekto at damo na makati sa balat. Ito po ay sa pelikulang Bayo.
“Nag-love scene po kami sa public place which is sa maisan. Ang role ko po rito ay anak ng may-ari ng lupain na ayaw ibenta ng kanyang tatay. At ako po iyong aakitin ng isang dayo upang mapapayag ko ang aking ama na ibenta ang lupa. Ang ka-love scene ko po rito ay sina Ashley Lopez at Nathan Cajucom.”
Gaano kahirap magpa-sexy sa pelikula?
“Sa unang pagpapa-sexy ko ay nahirapan ako nang husto, pero noong sumunod na eksena na, inisip ko na part ito ng pelikula na dapat ipakita sa mga manonood na magmukha itong makatotohanan.”
Sinabi rin ng aktres ang kanyang showbiz crush.
“Ang showbiz crush ko ay si Ian Veneracion, bukod kasi sa kanyang pisikal na kaguwapohan ay isa rin siyang faithful na asawa at mabuting tatay sa kanyang mga anak,” nakangiting sambit pa ni Anne Marie.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com