HARD TALK
ni Pilar Mateo
NASA ika-siyam na taon na ang World Travel Expo na gaganapin sa Oktubre 17-19, 2025 sa SPACE ng One Ayala sa Makati at sa Nobyembre 14-16, 2025 naman sa Ayala Malls, Manila Bay.
Sa panayam sa namumuno nito o organizer na si Miles Caballero ng AD Asia Events Group na nagsama-sama sa mga exhibitor at partners ng naturang event, “Looking around this room, I feel nothing but gratitude. You are not just here to witness a launch. You are here because you believe in the spirit of travel and in what the World Travel Expo stands for. And for that, I sincerely thank you.”
Sino ba ang gaya kong pangarap na libutin ang buong mundo? Galugarin ang bawat sulok nito pero napipigilan lang sa mga bagay na kinakailangang taglayin para maisakatuparan.
Kaya sa muling pagbubukas ng WTE 2025, inaasahang muli, mas marami na naman ang sasali o sasama para enjoy-in ang pagkakataong makatagpo ng mga paglalakbay na naaayon sa budget- mula sa hotels, restaurants, pasyalan, pati na airlines.
Ano ang aasahan sa parating na events?
‘Di matingkalang promos, mga pang-kulturang palabas, mga booth na mag-o-offer ng kanilang mga produkto lalo na ang mga nagmula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa at mga pasabog na raffle prizes.
Kaya turista ka man o traveler, nanditong muli ang WTE 2025. Pang-himpapawid man o pang-karagatan ang biyahe, katuwang ang tourism boards sa iba’t ibang panig ng mundo, maraming nakaplanong mangyayari na pasok sa budget ng pamilya.
Dagdag pa ni Ms. Caballero, “More than a bargain hunt, it’s about reigniting the passion for discovery, strengthening industry partnerships, and celebrating the role of travel in connecting cultures.”
Ang daming packages na mapagpipilian. Ang kailangan lang na gawin ay tumungo sa dates ngayong Oktubre at Nobyembre.
Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Tara na! Lipad na! Sakay na!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com