Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dwayne Garcia na Para na Muna Joven Tan

New single ni Dwayne Garcia na ‘Para na Muna,’ available na sa digital platforms

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY bagong single ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia at ito’y pinamagatang ‘Para na Muna’. Ang naturang kanta ay komposisyon ni direk Joven Tan at released ng Star Music.

Ito ang second single ng binatilyo, ang debut single niya titled ‘Taym Perst Muna’ ay komposisyon din ni direk Joven at inilabas ito last year.

Inusisa namin ang 15 year old na bagets hinggil sa kanyang latest single.

Pahayag ni Dwayne, “Ang song ko po ay tungkol sa mga relasyong o problema sa buhay na unhealthy na at hindi nakabubuti. Ipinapakita nito kung gaano kahalaga ang magpahinga muna at pag-iisip ng mga solusyon para ma-overcome ang mga problema at para mabawasan ang stress at makapag-refocus.

“Ang titulong Para Na Muna ang napili naming ni Direk Joven dahil ito ang mensaheng nais kong maramdaman ng mga nakikinig: ang magpahinga muna at bigyan ang sarili ng oras para malampasan at maresolba ang mga problema.”

Aniya pa, “Available po ito sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at marami pang ibang digital platforms.”

Bata pa lang daw ay mahilig na siya sa music. “Mahilig po ako sa karaoke, pero hindi ko pa talaga ito tinatanganang seryosong gawain. Hindi ko ito minamadali hanggang noong nakaraang taon,” sambit niya.

Nabanggit din ni Dwayne kung gaano kahalaga sa kanya ang musika

“Mahalagang-mahalaga ang musika sa aking buhay dahil ito ang aking pinakikinggan sa tuwing ako ay malulungkot, masaya, o kapag may ginagawa.”

Masaya raw ang guwapings na binatilyo kapag nagpe-perform at may napapasayang audience. “Grateful at napapangiti po ako, dahil tuwing nakikita ko ang ngiti sa mga mukha ng nanonood ng aking performance, ako ay lubos na natutuwa.”

Kuwento pa niya, “Pumasok po ako sa showbiz noong ako ay siyam na taong gulang. Nagsimula po ako sa workshop ng Star Magic acting workshops at nabigyan ng pagkakataong gumanap bilang ‘Dino’ sa Knowledge Channel na Wikaharian sa ABS-CBN. Napatigil lamang ito dahil sa pandemya.”

Si Dwayne ay Grade 10 sa UST Angelicum College, nakalabas na siya sa pelikula via Direk Joven’s ‘Outside de Familia,’ bilang si Totoy, anak ng karakter ni Gelli de Belen.

Asahan na lalong magiging active si Dwayne sa showbiz, hindi lang sa kanyang singing career, kundi bilang aktor din, na siyang first love niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …