Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices

Atty Rey ng Innervoices advocacy na tumulong sa mga musikero

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAHUSAY na abogado, keyboardist, at singer na ngayong September 25 ay kaarawan ni Atty. Rey Bergado ng grupong Innervoices.

At bilang lider ng grupo, nakabibilib ang adbokasiya ni Atty. Rey.

Aniya, “My advocacy is to help musicians talaga.

“I’m not here para sa sarili ko. Kasi coming from the industry, when I was really young and in college gusto ko ring tumulong.”

Isa sa mga natulungan ni Atty. Rey ay ang bagong bokalista ng Innervoices na si Patrick Marcelino.

Bukod kay Patrick, matulungin din si Atty. Rey sa mga songwriter o composer.

Kapag may mga isinulat na awitin ang mga ito na hindi agad mai-record at mai-release ay tumutulong si Atty. Rey sa pamamagitan ng pagre-record ng Innervoices sa mga naturang kanta.

Pito ang  mga bagong kanta na original songs ng Innervoices; ang Meant To Be na nilikha ni Atty. Rey, at ang “Idlip, Galaw, T. H. A. L. (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa), Saksi Ang Mga Tala, Handa Na Kitang Mahalin, at ang Sayaw Sa Ilalim Ng Buwan na likha naman ng iba-ibang songwriters.    

Bukod sa regular nilang gig sa Aromata sa Sct. Lazcano sa QC. at sa Noctos Bar ay napapanood din ang Innervoices sa Hard Rock Café sa Ayala sa Makati at Hard Rock Café Manila sa loob ng Conrad Hotel sa SM Mall of Asia.

Ang iba pang miyembro ng Innervoices ay sina Joseph Cruz (keyboard), Joseph Esparrago (drum), Alvin Hebron (bass), at Rene Tecson (lead guitar).

Happy birthday, Atty. Rey! We wish you good health, long life, prosperity and more and more music para marami kaming patuloy na napapasaya niyo ng Innervoices.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …