Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 21 Setyembre.

Ayon sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Ismael Gauna, acting chief of police ng Norzagaray MPS, kay P/Col. Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang nadakip na suspek na si alyas Jester, 30 anyos, residente sa Brgy. Minuyan, sa lungsod ng San Jose del Monte.

Sinabi sa ulat na nang magpasukan ang mga empleyado dakong 8:00 ng umaga kamakalawa ay nadiskubre nilang wasak ang vault ng kanilang tindahan.

Agad nilang ipinaalam sa 56-anyos ay-ari na siyang nagkompirmang nawawala ang P38,000 cash sa loob ng vault.

Sa pagsusuri ng CCTV footage ng barangay hall, nakita ang suspek na pumasok sa establisimiyento at ninakawan ito bandang 3:40 ng madaling araw.

Agad humingi ng tulong ang biktima sa duty patroller na si P/Cpl. Joseph Ryan Villareal na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkabawi ng bahagi ng nakaw na pera na nagkakahalaga ng P32,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Norzagaray MPS ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …