RATED R
ni Rommel Gonzales
MAHALAGA kay Cesar Montano ang rally sa Luneta at EDSA laban sa matinding korapsiyon at nakawang nagaganap sa bansa.
“This protest is very important. Kasi, rito natin ipinapaalam na hindi tayo sang-ayon sa nangyayari sa ating bansa.
“So, hindi lamang para sa buong bansa, kundi para rin sa ibang bansa na malaman nila na we’re not agreeing, we don’t agree to what is happening.
“We’re being robbed. Kailangan talagang magprotesta!
“Even the President himself is supporting the rally,” pagtukoy ni Cesar kay Pangulong Bongbong Marcos.
“So, dapat talaga tayong sumali rito.
“Eh mismong presidente nga natin, sumusuporta, eh.
“He’s not disagreeing. Sabi niya, tama ito.
“Mali ‘yung nangyayari. So, dapat lang na sumuporta tayo. Dapat lang,” saad pa ni Cesar.
Agree kay Cesar si direk GB Sampedro.
Aniya, “Very important din kasi ‘yung ilabas natin ‘yung boses natin, and marinig tayo.
“For so long, nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan ang mga tao.
“So as long as hindi siya political. As long as ito’y pagbo-voice out lang ng nararamdaman.
“And as long as peaceful, we support the rally.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com